Hindi siya nakatulog, nandito siya sa sala nila at ala-una na ng madaling araw. Wala pa rin si Dak kaya alalang-alala siya. Ano ba'ng iniisip ni Dak at umalis agad ito? Hindi pa nga ito magaling. Kinabahan siya at natatakot sa mangyayari sa binata. Hindi siya mapakali. Napatayo na lang siya nang bumukas ang pinto nila at nang makita si Dak 'yon kahit pa ba nakasumbrelo ito at naka-facemask ito ng itim ay kilalang-kilala na niya. Agad siyang lumapit sa binata at nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay agad na dumapo ang palad niya sa pisngi nito. Hindi na niya napigilan ang sarili at nasampal niya ang binata. Grabe ang pag-aalala niya rito. Parang nasayang lang ang ilang gabi niyang kulang sa tulog dahil lang sa biglaang paglabas ng binata. Sobrang tigas talaga ng ulo ni Dak. Talaga

