Nandito siya ngayon sa parking lot at hinihintay si Brian, kailangan nilang mag-usap na dalawa. Pinauna na niyang umuwi si Raula Mae. Gusto pa kasi talaga niyang makausap si Brian. Ngayong araw mismo niya tatapusin ang kung ano ang gustong mangyari sa relasyon nilang dalawa. Hindi na niya hahayaan na tumagal pa at alam niyang mas masakit sa parte ni Brian kapag pinatagal niya pero wala siyang balak na sagutan ito. Wala talaga, alam niyang may karapat-dapat para rito. "What are you doing here? Kanina pa umalis si Eduardo," napatingin siya sa likod niya nang may magsalita. Ito na naman si Emitt. Hindi na lang niya 'to sinagot kanina nang sinabi nito ang tungkol sa ligawan na 'yan. Wala naman daw problema kung liligawan siya lalo't parehas naman daw silang walang karelasyon sa iba. Ibig

