Hindi niya alam pero lutang na lutang siya habang nakasakay siya sa elevator. Nag-iwan na lang siya ng mensahe sa kaibigan niya na masama ang pakiramdam niya dahil alam niyang susundo sa kanya si Dak. Hindi naman niya predeng paalisin si Dak at hindi rin siya makakapagtrabaho dahil lumilipad ang isip niya. Hihintayin niya lang dahil gusto niyang malaman kung sinabi ba ni Dak kay Emitt ang tungkol sa Ama niya. Nakita naman niyang humahangos na pumasok si Dak kaya napakunot ang noo niya dahil mukhang hinahanap siya. Nang magtama ang paningin nila ay tila nakahinga ng maluwag si Dak at lumapit 'to sa kanya. "Halika ka na. Sa bahay na lang tayo mag-usap," sabi nito at hinatak siya papalabas sa gusali. "Sandali nga Dak. Ano ba'ng nangyayari?" tanong niya dahil sa inis. "Kung ako sa 'yo ma

