Nagtataka si Katrina dahil mag-iisang linggo na siyang hindi kinakausap ni Dak.. Hindi na rin nagkakasalubong ang araw nilang dalawa. Minsan kasi ay matutulog siyang wala pa rin ang binata, ilang gabi nang hindi sumasabay sa kanila si Dak. Hindi niya rin alam kung umuuwi pa ba ito dahil kapag nagigising siya ng umaga at gumagayak para pumasok sa trabaho ay hindi niya naaabutan ang binata. Katulad na lang ngayon, nasa hapagkainan sila ng Lola niya at nag-uumagahan ay wala si Dak. Ayaw naman niyang magtanong sa Lola niya dahil baka kung anong isipin nito kaya nanatili na lang siyang tahimik. “Susunduin ka ulit ni Emitt dito?” tanong ng Lola niya kaya agad siyang tumango. “Kailangan ako sa field Lola e, kailangan kong makita ang mga kotse,” sabi niya habang umiinom ng kape niya. Pangal

