11. Chapter 11 " THE CHAOS "

1305 Words
Hindi malaman ng mga naroon sa pagtitipon sa bahay ni mayor Ariston Valmores ang kanilang gagawin ng isa isang nagliliparan ang mga tolda na kanilang ginamit sa okasyon. Sophia : " Mayor kailangan na siguro nating pansamantalang tapusin ang pagtitipong ito ayon sa nasagap kong Balita ay anumang Oras ay maglalandfall na ang bagyong Lagring at isa ang Lugar natin sa inaasahang maapektuhan ng nasabing bagyo. " saglit na pangamba ang naramdaman ng alkalde at makalipas ang ilang segundong pagninilaynilay ay sa wakas ay nagsalita ito at iniutos sa mga naroon na mga opisyal ng bayan na pagtulungang tanggalin ng tuluyan Ang mga tent at dalhin naman ng mga iba pang naroon ang mga pagkain na hindi naubos. Mayor Valmores: " Ipagpaumanhin po ninyo Father ang ganitong sitwasyon " pagbibigay galang ng alkalde habang nakatingin siya kay Father Demetrio na siyang pinaka head Priest ng dalawa nitong kasamahan. Father Demetrio: " Huwag mo kaming alalahanin mayor batid naman namin sa una palang na may paparating na bagyo dangan nga lamang ay mukha itong napaaga sa aktuwal na anunsiyo ng kagawaran." tumango naman ang dalawa pang pari bilang pagsang ayon sa nasabing iyon ng kanilang head Priest. Nang unti unti nang magdilim ang kalangitan ay kaalinsabay naman ng banayad na pagpatak ng manaka nakang pag ulan. Minabuti ng alkalde na yayain niya ang mga pangunahing bisita sa kanyang maluwang na bulwagan sa loob ng kanilang tahanan. Naiwan ang ilang tauhan sa labas upang ayusin ang mga nagkalat na kasangkapan na sanhi ng hindi inaasahang malakas na paghampas ng hangin na animoy may intensyong sirain ang mapayapa sana nilang pagkakatipon. Sa loob kung saan muling nakalagak ang lahat ng mga pangunahing pandangal ay tahimik na nakaupo ang karamihan. pawang bulungan lamang ang maririnig na lalong nagbigay ng kakatwang eksena sa paligid.Hindi nakatiis si Dra. Valmores Ang butihing maybahay ng alkalde sa katahimikan na namamayani kaya nagpasya siyang buksan ang malaking flat screen tv na nakalapat ng mainam sa kanilang fluted wall panel. Ipinihit din nito sa pangunahing channel sa pagbabalita. Napako ang tingin ng lahat sa isang palabas kung saan ay isang reporter Ang kasalukuyang nagsasalita at ibinabalita nito ang ilang detalye ng tungkol sa bagyong Lagring. Halos hindi paman natatapos sa kanyang pagbabalita ang reporter ay biglang namatay ang telebisyon kaalinsabay ng pagdidilim sa buong kabahayan. Mga ilang napasigaw ng malakas at ang kumusyon ay hindi maiwasan ng mga naroon. Napilitan ang mag asawa na sindihan ang mga kandila na nakalagay sa malapit na kabinet, tumulong narin sina detective Allen at deputy inspector Ivana maging si Chief inspector Vonmark para sa dagliang pagliliwanag kahit papaano sa lugar kung saan tahimik na nakaupo ang tatlong pari sa isang parihabang upuan na yari sa pinagsamang yantok at malambot na kutson. Naupo sa malapit na bangko Ang alkalde at nagbigay ng ilang mahahalagang pahayag sa mga naroon. Mayor Valomores: " Iminumungkahi ko po sa inyo Father Demetrio,Father Jessie at Father Dennis na pansamantala ay dumito muna kayo ngayong gabi sa bahay at bukas na po kayo magpunta sa inyo inyong destino hanggat hindi pa po humuhupa ang bagyo. May nakahanda pong tatlong silid para po sa inyo kung inyong mamarapatin." Magalang na pahayag ng alkalde na sinang ayunan naman ng kanyang butihing may Bahay. Nagkatingininan ang tatlong pari at nagpapakiramdaman ang mga ito kung ano ang marapat nilang isagot sa alok na iyon ng mayor. Bilang head Priest ay minarapat ni Father Demetrio na siyang mangusap ukol dito. Father Demetrio : " Well kung ako Ang inyong tatanungin mayor ay gusto ko sanang manatili rin dito para magkaroon pa tayo ng pagkakataon na makapagkuwentuhan pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makita ang simbahan at sa pagkakaalam ko ay may naghihintay din sa aking pagdating doon tama ba ako hepe? " agad namang sumagot si Chief inspector Vonmark Del Rosario at sinabi niyang naroon nga ang ilan sa kawani ng simbahan sa pangunguna ni Sister Merriam kasama ang ilang Madre at mga sakristan. " Gusto pa sanang humirit si Mayor Valmores na ipagpabukas na nila Ang pagtungo sa kani kaniyang destino pero natigilan ito nang isa isa ring nagpahayag ng kagustohan din nina Father Jessie at Father Dennis na makapunta sa mga simbahan kung saan sila isinugo ng kanilang Obispo sa maynila. Sa matamang pagoobserba ni Detective Allen ay humanga siya sa tibay at lakas ng loob ng tatlong pari na hahalili sa mga pinaslang na pari ng Sta.Monica. Walang nagawa si Mayor Valmores kundi ipaubaya Ang desisyon sa kanila. Ipinag utos na lamang ng alkalde sa mga katulong nila sa bahay na ipagbalot sila ng mga dadalhin nilang pagkain para sa kanilang napipintong pagtungo sa kani kanilang destino. Makalipas pa ang ilang sandali ay pumayapang muli ang paligid at gaya ng kanilang napagkasunduan kanina sa pangunguna ni Chief inspector Vonmark Del Rosario ay sila rin ang maghahatid sa mga pari. Nagkaroon sila pribadong pagtalakay na may kaugnayan din sa pagpunta ng mga pari sa kani kaniyang destino para at napagkasunduan ng mga ito na sila man ay mananatiling sa isang guest house doon kung saan ay magsisilbi silang bantay para sa seguridad ng mga pari hanggat hindi pa natatapos ang pananalasa ng bagyong Lagring. Chief Vonmark: " Kung inyong mamarapatin mayor ay iminumungkahi ko na dumito muna sa inyo si detective Allen at kami na lamang munang dalawa ni Ivana ang magbabantay at bukas na lamang siya sumunod doon." Ivana : " Oo nga naman detective Allen para makapagpahinga ka muna " mahinang nasabi ni Ivana na hindi niya malaman kung tama ba ang kanyang sinabi o hindi. Sa kaibuturan kasi ng kanyang kaisipan ay nais niyang magkasarilinan sila ni Vonmark sa isang Lugar na sila lamang dalawa. Habang tumatagal kasi ang panahon ng kanilang pagsasama ni Vonmark mas lumalalim naman ang kanyang nararamdaman para sa kanya. May lihim pang ngiti sa kanyang labi ang sumungaw ngunit napawi rin ito kaagad ng magsalita si Allen. Allen : " Huwag niyo akong masyadong alalahanin, I can manage myself nais kong samahan kayo sa pagbabantay, at gusto ko ring tiyakin ang kaligtasan ng mga pari. " punong puno ng determinasyong pahayag ni Allen. Mayor Valmores : " Buweno kung Yan ang inyong pasya ay kayo ang bahala. Ipinapayo ko lamang sa inyong tatlo na doblehin ninyo ang pagiingat. Always check your phone and make it available at any time for further info. at huwag kayong mag atubili na balitaan ako sa anumang bagong kaganapan doon." buong pagmamalasakit na sabi ng butihing alkalde. Samantala sa isang tagong lugar na tanging ang mga salarin lamang ang nakakaalam ay isang nilalang ang unti unting nagkakamalay dulot ng may katagalan din niyang pagkakatulog. Nasalat nito ang kanyang ulo kung saan ay may natuyong ilang patak ng dugo sa kanyang anit. Naalala ni Mang Carlos ang nangyari sa kanya kung saan ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo ng sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang siyang pukpukin sa ulo ng hindi niya nakikilalang assailant. Unti unti siyang bumangon sa kanyang pagkakalugmok ng mapansin niya ang apat na anino na nakaupo malapit sa kanyang harapan. Lubhang nahintakutan si Mang Carlos sa kanyang mga nakikita at inakala niya na siya ay nananaginip lamang. Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig ngunit sa una at ikalawa niyang attempt ay walang namutawi sa kanyang bibig ngunit sa ikatlong pagkakataon ay pasigaw niya itong ginawa. Mang Carlos: " Sino kayo?...at saan ako naroroon? " paulit ulit na tanong ni Mang Carlos pero nanatiling hindi umiimik ang apat na nilalang na nakaupo sa kanyang harapan nagmistulang mga patay ang mga ito sa harap ni Mang Carlos hindi man lang sila nagpakita ng anumang reaksyon sa kanyang patuloy na pagsigaw na animoy mga rebulto ito sa kanyang paningin. Lalong sinidlan ng takot si Mang Carlos ng maulinigan niya ang isang yabag na papalapit sa kanilang kinaroroonan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD