Chapter 12 : " THE GUEST HOUSE "

1221 Words
Matapos maihatid ang tatlong pari sa kani kanilang destino sa pangunguna ni Chief inspector Vonmark ay nagpasya silang magtungo sa Guest house kung saan sila mamamalagi habang hindi pa humuhupa ang bagyo. Dim light ang bumabalot sa guest house nang tuluyan nang mawalan ng kuryente. Tanging ilaw ng lamparang nakasabit sa dingding ang nagbibigay ng banayad na liwanag, habang sa labas ay maririnig ang tuluy-tuloy na pag-ihip ng hangin at hampas ng ulan. Sa bawat kaluskos ng bintana ay tila may kasamang bulong ng mga kaluluwang nagmamatyag. Nasa loob ng sala sina Chief Inspector Vonmark Del Rosario, Deputy Inspector Ivana Canlas, at ang bagong dating na si Detective Allen Mendoza. Sa ibabaw ng mesa ay nakalatag ang ilang dokumento, mga folder tungkol sa kaso ng tatlong napaslang na pari, ang nawawalang estudyante, at ang misteryosong pagkawala ni Mang Carlos. Vonmark: (nagbuntong-hininga) 'Parang lalo pang humahaba ang listahan ng tanong kaysa sagot. Tatlong pari, isang estudyante, at ngayo’y si Mang Carlos. At lahat ay tila may koneksyon sa Sta. Monica compound.' Allen: (nakasandal sa upuan) 'Dahil hindi aksidente ang lahat ng ito, ibig sabihin ay may mas malaking kamay na kumikilos sa likod. At kung tama ang hinala ko, hindi pa ito natatapos.' Ivana: (nakatingin sa kanila, bahagyang tinitikom ang labi) 'Kung may susunod na biktima… dapat madaliin natin ang paghahanap.' Sandaling katahimikan. Ilan pang malalakas na hampas ng hangin ang naramdaman ng tatlo sa labas, halos lumipad ang kurtina sa bintana. Upang mabasag ang tensyon, napansin ni Ivana ang isang lumang drawer sa gilid ng sala. Binuksan niya iyon, at mula roon ay kinuha ang isang kahon. Ivana: (pilit na ngumiti) 'Scrabble board. Baka sakaling makatulong na mailihis ang isip natin, kahit sandali lang.' Nagkatinginan si Vonmark at Allen, at parehong pumayag. Ilang minuto ang lumipas, nagsimula silang maglaro. Ngunit habang lumalalim ang gabi, mas nagiging personal ang usapan. Vonmark: (nakangiti kay Allen habang inilalapag ang tiles) 'Mukhang ikaw ang mahilig sa mga salitang malalalim. Hindi ba’t mas bagay kang maging manunulat kaysa detective?' Allen: (napangiti rin) 'Siguro nga, pero mas pinili kong magsulat ng hustisya gamit ang badge.' Si Ivana ay tahimik lamang, pinagmamasdan ang palitan ng ngiti ng dalawa. Ramdam niya ang unti-unting paglalaho ng atensyon ni Vonmark sa kanya, at napapalitan ito ng kakaibang interes para kay Allen. Bahagya siyang napatayo. Ivana: (may pilit na sigla) 'Pasensya na, may kailangan lang akong tingnan sandali. Ituloy niyo lang muna.' Lumabas siya ng guest room, iniwan ang dalawa. Habang nagpapatuloy ang laro, si Vonmark ay hindi maitago ang titig niya kay Allen. Ang bawat simpleng galaw nito ay tila nagiging sentro ng kanyang atensyon. Vonmark: (mahina, tila nagbubunyag) 'Allen… minsan iniisip ko, mahirap manatiling matibay kapag may mga taong bigla na lang dumarating at nagbabago ng paligid.' Napatingin si Allen, bahagyang nagulat sa tono. Hindi na siya nakasagot agad, kaya’t iniba ang usapan. Allen: (tumayo) 'Sandali lang, maghuhugas lang ako. Medyo nanlalagkit na ako sa biyahe kanina.' Tumango si Vonmark, ngunit nang makitang matagal nang hindi bumabalik si Ivana, nagpasya siyang hanapin ito. Naiwan ang Scrabble board na nakalatag. Pagbalik ni Allen mula sa banyo, natulala siya sa kanyang nakita. Sa ibabaw ng board, malinaw na nakabuo ng salita mula sa mga tiles na nakalatag: SAY AMEN Wala sa silid si Vonmark, wala si Ivana — ngunit ang salitang iyon ay tila sumisigaw sa katahimikan ng dilim. Humigpit ang hawak ni Allen sa kanyang tuwalya. Ang bigat ng katahimikan ay parang may banta. Sa labas, muling umalingawngaw ang kulog, kasabay ng pagpasok ng malamig na hangin sa nakabukas na bintana. Nag-iwan ang eksena ng tanong: Sino ang naglatag ng mga salitang iyon? At kanino nakalaan ang pagtugon ng 'Amen'? Sa labas ng guest house, rumaragasa ang ulan. Ang bawat patak ay dumadagundong sa bubong at lumilikha ng alon sa maliliit na poso ng tubig sa bakuran. Nakatutok ang flashlight ni Chief Inspector Vonmark Del Rosario sa dilim habang pinipilit niyang hanapin si Ivana. Basa na ang kanyang uniporme, at ang malamig na simoy ng hangin ay tila dumidiretso sa kanyang mga buto. Habang naglalakad, sumasayad ang liwanag ng kanyang flashlight sa mga puno, sa pader ng lumang paaralan, hanggang sa dulo kung saan matatanaw ang pinakamalaking gusali ng compound—ang library. Saglit siyang natigilan. Parang may siluetang gumagalaw sa malayo. Malinaw niyang nahagip ang anyo ng isang tao—nakaputing kasuotan, payat, at tila nakatitig pabalik sa kanya. Vonmark: ("Sino…?") Pero bago niya tuluyang mapagsino, biglang naglaho ang pigura, nilamon ng dilim at ng malakas na bugso ng ulan. Parang walang nangyari, ngunit naiwan ang matinding kilabot at pamilyar na kutob sa dibdib ni Vonmark. Sa sandaling iyon, bigla niyang naalala si Ivana. Mabilis siyang kumilos, nilibot ang likod ng guest house at doon, sa gitna ng hardin na binabayo ng ulan, natagpuan niya si Ivana—nakahandusay, basang-basa, at walang malay. Samantala, si Allen ay nagdesisyong lumabas din. Nag-aalala siya kung bakit hindi pa bumabalik sina Ivana at Vonmark. Habang nililibot ang paligid ng guest house, bigla siyang nakarinig ng mga yabag. Allen: ("Sino 'yon?") Napatigil siya nang lumitaw si Vonmark mula sa dilim, bitbit ang lupaypay na katawan ni Ivana. Pareho silang nabasa ng ulan. Allen: (gulat) "Ano'ng nangyari kay Ivana?!" Vonmark: (hingal, nanginginig) "Nakita ko siya… doon sa may hardin, sa likod ng guest house. Wala na siyang malay, basang-basa." Napamulagat si Allen, hindi makapaniwala sa narinig. Pinagmasdan niya ang mukha ni Ivana—maputla, malamig. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Magkasama nilang ipinasok si Ivana sa loob ng guest house. Si Allen ay napilitan nang kalkalin ang bag ng dalaga upang makahanap ng ekstrang damit. Samantala, si Vonmark ay nagpainit ng tubig sa lumang kalan na nasa kusina, saka nagtungo sa shower room ng pang-lalaki upang magpalit ng sarili niyang basang damit. Pagkaraan ng ilang sandali, maingat na binihisan ni Allen si Ivana ng malinis na kasuotan. Habang ginagawa niya ito, unti-unti nang kumikilos ang mga daliri ng dalaga, at maya-maya’y bahagyang dumilat ang mga mata. Ivana: (mahina) "A…Allen?" Nakahinga ng maluwag si Allen. Tumayo siya at iniwan sandali si Ivana sa kuwarto upang bumalik sa sala. Ngunit pagdating niya roon, halos mabura ang lahat ng dugo sa kanyang mukha. Sa ibabaw ng mesa, ang Scrabble board na kanina lamang ay malinaw na nakabuo ng mga salitang SAY AMEN… ay wala na roon at napalitan ng mga common words na animoy walang nangyari. Allen: (bulong, nanginginig) "Imposible… kanina lang nakalatag ang mga salitang ‘yon…" Sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pinto. Pumasok si Vonmark, basang-basa pa ang buhok na pinupunasan ng tuwalya. Nagulat ito sa reaksyon ni Allen. Vonmark: "Bakit ganyan ang itsura mo?" Hindi agad nakasagot si Allen. Sa kanyang isip, mabilis na dumaloy ang tanong: - Sino ang nag-ayos ng mga salita? - Bakit bigla na lang nagbago? - At higit sa lahat… maaari bang si Vonmark mismo ang may kinalaman dito? ngunit minabuti niyang huwag ipaalam ang kanyang nakita pero sa loob loob ni Allen ay tiyak niyang hindi siya namamalik mata lamang. Ang kaba at takot ay humahalo sa kanyang isipan. Sa gitna ng ingay ng bagyo, lumalakas ang pagdududa. Sa madilim na guest house, ang tunay na panganib ay baka hindi nagmumula sa labas… kundi sa mismong mga taong kasama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD