CHAPTER 19: THE MISSING COUPLE

760 Words
Ang tanggapan ni Attorney Mijares ay amoy lumang papel at kape. Si Allen Mendoza at Ivana Canlas ay nakaupo sa harap ng retiradong clerk of court. "1999," malalim na buntong-hininga ni Attorney Mijares. "Taon ng maraming pagbabago sa Sta. Monica at taon ng maraming... paglaho." "Tungkol po sa pamilya Agoncillo," diretsong tanong ni Allen. Tiningnan sila ng matanda. "Bakit sila? Mga ordinaryong mamamayan lang naman sila." "Kasi po, lahat ng nangyayari ngayon... parang nakaugat sa nakaraan. At ang pangalan nilang Agoncillo... laging lumalabas." Humugot ng hininga ang matanda. "Ang mag-asawang Roberto at Lucita Agoncillo... bigla na lang nawala noong September 1999. Walang paalam. Walang explanation." "May police report po ba?" "Mayroon. Pero... napaka-kakaiba." "Bakit po?" "Kasi... isang araw lang ang imbestigasyon. Tapos... sarado na ang kaso." "Anong nakasulat sa report?" "Family believed to have left town due to personal reasons. No foul play suspected." "Personal reasons? Ano'ng personal reasons?" "Ewan. Pero... may tsismis." "Anong tsismis?" Tumikhim ang matanda. "Na may nangyari sa simbahan. Na ang mag-asawa... nakakita ng hindi dapat makita." "Nakakita ng ano?" "Ewan. Pero ang sabi-sabi... may sistema sa loob ng simbahan. At ang mag-asawang Agoncillo... naging banta." "Bakit naging banta?" "Dahil sila'y... masyadong malapit. Si Roberto ay volunteer sacristan. Si Lucita ay madre ng altar. Nakikita nila ang lahat." "At?" "At isang gabi... hindi na sila umuwi." Tumigil ang matanda, hinawakan ang kanyang baso ng tubig. "May anak po ba sila?" "Oo. Isang batang lalaki. Si Ruben. Mga 14 anyos noon." "Anong nangyari kay Ruben?" "Wala ring nakakaalam. Sabi ng report... 'son believed to be with relatives in another province.'" "Pero?" "Pero walang relatives ang pamilya Agoncillo sa ibang lalawigan. Wala silang kamag-anak maliban sa isang pinsan sa Maynila." "At?" "At ang pinsan na iyon... hindi rin nakatanggap ng balita." "So... lahat sila... nawala?" "Oo. Parang bula." Biglang may tumunog ang telepono sa lamesa. Sumagot si Attorney Mijares. "Oo?... Sino?... Ay ganon ba?... Sige." Bumaba niya ang telepono. "May tumawag. Sabi... mag-ingat daw kayo. At... huwag nang maghukay ng nakaraan." "Sinong tumawag?" "Hindi sinabi. Boses lalaki. Matanda." Tiningnan ni Allen si Ivana. "May nagbabantay." "Oo," sagot ni Ivana. "At alam niyang nandito tayo." --- Umalis sila sa tanggapan ni Attorney Mijares. Sa labas, ang hangin ay biglang naging malamig. "San tayo pupunta?" tanong ni Ivana. "Sa dating bahay ng pamilya Agoncillo." --- Ang dating bahay ng pamilya Agoncillo ay isang maliit na concrete house sa Sta. Monica Street. Nakabandera ng "For Sale" sa harapan, pero kitang-kita ang pagka-abandona. Kumatok sila sa kapitbahay. "Oo, sila nga," sabi ng isang matandang babae, si Aling Nena. "Bigla na lang silang nawala. Isang gabi, nandiyan sila. Kinabukasan, wala na." "Wala po bang nakakita?" "Wala. Pero... may narinig ako." "Ano po?" "Ang sigaw. Sa gabi. Sigaw ng babae. Tapos... mga yabag." "Saang direksyon?" "Papuntang simbahan." "Bakit papuntang simbahan?" "Dahil... volunteer si Roberto sa simbahan. Minsan, nagpupunta siya doon sa gabi." "Para saan?" "Para maglinis. O... para mag-meeting daw." "Meeting? Anong meeting?" "Ewan. Basta... may mga pulong sila sa gabi. Mga volunteers." "May iba pa bang nawala noong panahong iyon?" Tumikhim ang matanda. "Oo. Isang doktora. Si Dra. Ramos. At... isang sacristan. Si Marvin." "Anong nangyari sa kanila?" "Sabihin nang... umalis daw. Pero... walang naniniwala." "Bakit?" "Dahil... wala silang dala-dala. Walang gamit. Parang... hinugot sa kanilang mga bahay." Umalis si Aling Nena. "Allen," sabi ni Ivana, "parang... may sistema talaga." "Oo. At ang sistema na iyon... nagnakaw ng buhay." "At ngayon... nagbabayad na." --- Samantala, sa ilalim ng Sta. Monica Cathedral, sa madilim na basement, nakahiga si Ruben sa loob ng ataul na narra. Ang ataul na ito rin ang pinaglibingan sa kanyang ama ng buhay noong 1999. Nakapikit siya, ngunit gising. Naririnig niya ang bawat ingay mula sa itaas—ang mga yabag, ang mga dasal, ang mga bulong. Pero higit sa lahat, naririnig pa rin niya sa kanyang alaala ang huling hiyaw ng kanyang ama... "RUBEN! ANAK KO! TULUNGAN MO AKO! BUKSAN MO! RUBEEEEEN!" Ang hiyaw na iyon ang bumubuhay sa kanya tuwing gabi. Ang hiyaw na iyon ang nagpapatuloy sa kanyang paghihiganti. Dahan-dahan, inangat niya ang takip ng ataul. Umusbong ang kanyang mukha sa madilim. Sa kanyang tabi, ang kanyang mga sandata—isang pana, mga arrow, at isang maliit na larawan ng kanyang pamilya. "Nagsisimula na, Tatay," bulong niya. "Nagsimula na nilang bayaran ang kalupitan ng mga taong umapi sa atin at hindi ako titigil, wawasakin ko ang lugar na ito, pangako." Isinara niyang muli ang ataul. Naghintay. Dahil alam niyang malapit na ang oras ng kanyang paglabas. At kapag lumabas na siya... wala nang makakapigil sa kanyang paghihiganti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD