CHAPTER 16: SHADOWS IN STA. MONICA

1133 Words
--- Sa pangatlong araw, unti unti ng humuhupa ang bagyo, ngunit paminsan minsan ay bumubuhos parin ang ulan at naroon parin ang malamig at banayad na pagsayaw ng hangin. Sta. Monica Cathedral ay may mangilan nilang tao na pumupunta sa simbahan para mag ayuno at makinig ng Misa sa pangunguna ng bagong destinong pari. Ang mga mumunting patak ng ulan na pumapalo sa mga bintana at sa mga lumang dingding, tila may sariling ritmo na nagmumula sa kalangitan. Sa loob, si Father Demetrio ay nakatayo sa harap ng altar, pinagmamasdan ang nakasabit na krus. Ngunit kahit ang kanyang mga mata ay nakatutok sa krus, ramdam niya ang kakaibang lamig sa kanyang paligid—hindi dahil sa ulan kundi dahil sa mga anino na tila nagmamasid. Habang binabasa niya ang mga nakasulat sa lumang missal, unti-unti siyang nagre-reflect. Sa kanyang mismong kinatatayuan ay tila lumilitaw sa kanyang balintataw ang mga alaala ng nakalipas: ang sigaw ng isang ama habang pinipilit siyang manahimik, ang mapait na lasa ng lason na ipinainom sa isang debotong tagasunod at ang bawat hakbang na ginawa nila sa ilalim ng simbahan gamit ang mga lihim na lagusan. Biglang nagmulat ng mata si Father Demetrio dahil pakiramdam niya ay may humawak sa kanyang batok na tila malamig na kamay. Tumayo si Father Demetrio at lumingon. Wala naman kundi ang hangin na gumagapang sa mga kandila, nanginginig sa lamig. Ngunit sa gilid ng altar, may nakikitang animoy kumikilos na anino. Ang mga mata niya ay mabilis na tumingin sa paligid—Jojo at Marvin, nakatayo sa gilid, hawak ang mga walis at mga basurahan na ginagamit sa paglilinis ng altar. JOJO: “Marvin?…nakikita mo ba ang nakikita ko?…” MARVIN: “Parang… kilala ko ang may ari ng mga yun, Jojo…” nangangatal kapwa ang mga ito. Hindi pa man nila natapos suriin ang bagay na iyon, biglang narinig ni Father Demetrio ang matinis na sigaw mula sa gilid ng altar. “Ahhh!” Si Jojo. Parehong lumapit sina Father Demetrio at Sister Merriam, kasunod namang dumating si Jenny abot abot ang matinding kaba sa kanyang dibdib.Sa kanilang paglapit, nakita nila ang isang bagay na nakalagay sa harap ng altar—isang lumang jacket, na maayos na nakatiklop at sa ibabaw nito ay isang false teeth na may desenyong ginto, batid ng mga naroroon na iyon ay pagaari ni Mang Carlos. Sa dami ng kalat sa paligid ay nangingibabaw sa lahat ang isang bagay na iyon na animoy sinadyang inilagay doon ng culprit. Si Father Demetrio ang una at unti-unting lumapit, marahang huminga. Hindi siya nagulat, ngunit ramdam niya ang kilabot na marahil ay nararamdaman din ng sino mang tao na makakita nito. Ngunit sa kanyang puso, alam niya kung sino ang naglagay nito. Alam niya, at nararamdaman niya ang presensiya nito. Habang nakatingin sa pustiso at jacket ni Mang Carlos, may narinig siyang pagaspas ng tela. Mula sa gilid, lumitaw ang isang Madre, nakabelo ng puti, ngunit nakatalikod, abala sa pag-aayos ng kandila sa tabi ng altar. Father Demetrio: (sa sarili) “She’s here… again.” Ngunit kailangan niyang huwag magpakita nang anumang emosyon. Pinilit niyang manatiling composed. Ramdam niya ang tension sa buong cathedral. Ang iba pang pari ay abala sa kanilang sariling gawain, ngunit para sa kanya, bawat galaw nila ay parang may kahulugan. Ang bawat paglipat ng kandila, bawat patak ng langis, bawat pagaspas ng damit—lahat ay parte ng isang masalimuot na plano. Si Jojo ay lumapit kay Father Demetrio, halatang balisa sa kanilang natuklasan: JOJO: “Father… ito pong jacket na ito, nakita kong suot ni Mang Carlos nang gabing mawala siya…?” FATHER DEMETRIO: “Huwag kang matakot. Ipagpatuloy mo lang ang paglilinis.” Ngunit alam niya na hindi lang paglilinis ang kailangan. May banta sa loob ng simbahan—at alam niyang may mga taong kasabwat sa likod ng lahat. Maya-maya, si Marvin ay napatingin sa isang sulok ng altar. MARVIN: “Parang may nakita po akong… anino.” si Father Demetrio ay dahan-dahang lumingon. Wala namang tao, ngunit may pakiramdam siyang may nakamasid sa kanila mula sa mga kurtina ng simbahan. Ang lamig ng hangin ay parang humihigpit, pinipigil ang bawat hakbang na gagawin nila. Biglang lumapit si Sister Merriam sa tabi ng altar, lumingon, at sa sandaling iyon ay nagkaroon ng eye contact si Father Demetrio. Ang mukha niya ay payapa, ngunit may tinatagong lungkot at galit. Alam niya na may mensahe ang inilalagay niya, at alam niyang makukuha ito ng tamang tao—hindi si Jojo o Marvin, kundi nang ibang tao na nagtatago sa paligid ng cathedral. Habang nagtatagal, si Father Demetrio ay bumalik sa kanyang pagdarasal, nagmumuni-muni sa ilalim ng mga chandeliers. Ngunit sa kanyang isipan, bawat tunog, bawat anino, bawat patak ng ulan sa bubong ay nagiging bahagi ng isang komplikadong puzzle. MARVIN: “Father… bakit parang kilala niya po tayo?” FATHER DEMETRIO: (mahina) “Hindi niya tayo kilala… pero alam niya ang lahat ng dapat niyang malaman.” Hindi man nakikita ng iba, ang tension sa cathedral ay parang bumabalot sa bawat isa. Ang mga sakristan, kahit abala sa paglilinis, ay nakaramdam ng kakaibang presensya. Ang simbahan ay tila may sariling buhay, at ang bawat galaw ay nagiging bahagi ng isang kwento ng lihim at pananakot. Maya-maya, lumakas ang hangin at isa isang namatay ang ilang kandila. Ang tunog ng mga nagliliparang usok ng kandila ay parang sumasabay sa t***k ng puso ni Father Demetrio. Alam niyang malapit na ang unang kampana, at alam niyang darating ang oras na magtatagpo ang lahat ng piraso ng puzzle. Si Jojo ay muling napasigaw, halos mawala ang dugo sa kanyang mukha. JOJO: “Father… sa altar… may… may nakita ako!” Sa harap ng altar, sa tabi ng rosaryo at mga kandila, may nakalagay na bagong clue—isang maliit na papel na basa ng ulan at nakatupi sa gilid ng lumang reliquary. Father Demetrio ay tumingin sa papel, nagpasalamat sa kanyang puso na may sapat siyang alam, ngunit alam niyang hindi pa ito ang tamang oras para ilantad ang lahat. Sa halip, dahan-dahan niyang kinuha ang papel, at saka binasa ng kanyang mga mata. MARVIN: “Ano po ang nakasulat, father?” FATHER DIMETRIO: (mahina, sa isip) “ Isa raw sa amin ang susunod… na mamamatay.” --- Ang lamig at dilim sa cathedral ay nanatili, ngunit may kakaibang pag-asa rin. Sa kabila ng mga lihim, pananakot, at misteryo, si Father Demetrio ay nanatiling buhay at muling huminga, alam niyang may papel siyang gagampanan sa darating na araw. At sa labas, ang ulan ay unti unti ng kumakalma, ang bawat banayad na dampi ng hangin ay parang may sariling mensahe. Ang false teeth at ang Leather Jacket ni Mang Carlos ay nakahain sa altar, isang palatandaan na isa na namang malagim na pangyayari ang nagbabadya sa hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD