CHAPTER 15: THE STORM OF SECRETS

920 Words
Lalong bumuhos ang malakas na ulan nang makauwi sila sa guest house. Ang bawat patak, parang tambol na sumasalamin sa tensyon ng tatlo. Tahimik si Allen sa likod ng mesa, nakatingin sa locket at sa bagong papel na basa ng ulan. VONMARK: “Third angel… ‘where the choir never sings’… saan kaya iyon?” ALLEN: “Kung susundin ang pattern, parang hindi ito literal na choir. Baka may ibig sabihin sa library, o sa isang silid na matagal nang nakakandado.” Vonmark, nakatayo sa bintana, nakamasid sa dilim: VONMARK: “Hindi lang iyon. May iba pa akong nakita kanina sa archive ng simbahan.” Lumapit siya at inilabas ang isang lumang kahon na may tag. VONMARK: “Ito… pendant watch ni Mang Carlos. Matagal na, pero may ukit sa ilalim — initials, parang code.” ALLEN : (kinurot ang noo) “Ibig mo bang sabihin… may kinalaman ito sa mga nawalang bata at sa angels ng simbahan?” VONMARK: (maingay na huminga) “Eksakto. Kung titignan natin ang pattern, parang ang mga angels ay hindi lang estatwa… sila rin ang nagmarka sa mga susunod na target.” IVANA: ( habang pinagmamasdan ang dalawa na nagpapalitan ng komento ay muling nakaramdam ng pagkasiphayo para sa kanyang puso ay napilitang magbigay ng saloobin). “Kung tama kayo… baka ang pangatlong angel ay may kinalaman sa Lihim na Lugar kung saan nanganganlong ang mga anghel… ‘where the choir never sings’.” Marahang ipinilig ni Vonmark Ang kanyang ulo sa direksyon ni Ivana. VONMARK: " What do you mean by that Ivana?" pero si Allen ang sumagot sa tanong na iyon ni Vonmark. ALLEN : " Tatlong Anghel...Tatlong Selyo...o Tatlong Salarin" --- Guest House — Attic / Archive Lumipat ang tatlo sa attic, nakakalat ang mga lumang libro at dokumento. Habang binubuklat ni Allen ang isang ledger, may nakita siyang pahiwatig: may mga pangalan ng mga batang nawawala na may code na tugma sa ukit sa pendant watch ni Mang Carlos. ALLEN : “I… I think nahanap ko na. Ang mga pangalan… may pattern. Ang bawat pangalan may katumbas na araw ng misa. Tila may sequence.” IVANA: “Sequence… parang domino effect. Kapag unang bell tumunog, susunod na victim… o clue.” Vonmark, tumango: VONMARK: “Kaya kailangan natin bilisan. Hindi lang simbahan at clues ang sinusundan natin… pati buhay ng tao.” --- Patungo sa Third Angel — Basement ng Simbahan pero matagal nang isinara ang lagusan patungo sa kuweba at konektado rin sa sementeryo. Habang bumabagsak ang ulan, biniyahe nila ang sementeryo. Sa entrance, walang tao. Ang bawat hagdan sa yungib ay lubhang madulas at malamig. Lumabas ang flashlight ng tatlo sa dilim, naglalaro ang liwanag sa lumang dingding.Amoy na amoy nila ang alimuom ng basang lupa. IVANA: “Sino kaya ang nag-lagay ng rosaryo at sa daliri na may singsing?… at bakit tila may paalala pa rin sa atin?” ALLEN. “Hindi lang paalala… warning.” Dumating sila sa isang lumang pinto sa ilalim, may nakasabit na plaque: “Choir of Silence”. ALLEN: “Ito na. ‘Where the choir never sings’…” VONMARK : (mahina) “Handa ba kayo?” Pumasok ang tatlo, unti-unting tinatabunan ng dilim at ulan na dumadaan sa mga siwang ng kuweba.May narinig silang maliliit na hakbang sa likuran, parang may sumusunod sa kanila pero batid nilang iyon ay echo lamang ng sarili nilang mga paa against sa sahig ng kuweba na puno ng mga tuyong dahon na malamang na tinangay ng hangin dulot ng bagyo. ALLEN: (pabulong) “Hindi tayo nag-iisa…” Allen, naglalakad nang dahan-dahan: “Kailangan natin makita ang isa man lang sa mga angel bago mag-umaga. Kung hindi… hindi lang clue ang mawawala.” --- Basement — Hidden Chamber Natagpuan nila ang lumang pintuan, bahagyang nakasara. Sa loob, isang altar na may tatlong maliit na estatwa ng anghel, bawat isa may lumang ukit at rosaryo. Sa gitna, may lalagyan na may hawak na plauta, eksaktong pareho ng hawak ng taong nakamasid sa kanila sa labas. ALLEN: ( Nangalisag Ang kanyang balahibo sa katawan ) ng maramdamang sumisikip ang kanyang paghinga batid niyang hindi iyon ang tamang direksyon patungo sa basement ng simbahan, ang napuntahan nilang Lugar ay bahagi ng kuweba ngunit wala ng lagusan. VONMARK: " Dead end na ito " pabulong na sabi nito pero paglingon niya sa kanyang likuran kung saan nakasunod sa kanya si Ivana ay ganun na lamang ang kanyang pagkabahala,si Ivana nakahinga sa sahig at wala ng malay katulad ng pagkakadiskubre niya noon sa likod ng Hardin sa may guest house. VONMARK: " Allen we need to get back, saka na natin galugarin ang kuweba, pagkatapos ng bagyo, i promise to help no matter what " pagsusumamo nito. Pinagtulungan nilang ilabas si Ivana sa madilim na bahaging iyon ng kuweba, tagaktak na ang kanilang pawis ng masapit nila Ang kinaroroonan ng kanilang sasakyan. Kaagad na pinaharurot ni Allen ang kotse pagtungong guest house, pagtingin niya sa kanyang suot na smart watch ay rumihistro ang oras. 5 minutes before 3 o'clock ng madaling araw. Pagsapit nila sa guest house ay eksaktong alas tres na ng umaga kaalinsabay ng pagkalembang ng kampana ng Old ruin Church ng San Bartomome. Nagkatinginan sina Vonmark at Allen at iisa ang kanilang katanungan... Sino ang may kagagawan ng biglaang pagtunog ng kampana sa ganoong oras? Naalala ni Allen ang isang mensahe..." find the second angel before the second bell? ALLEN: " Vonmark...nagsisimula na." matalinhagang sabi ni Allen kaalinsabay ng unti unting pagbabalik ng malay ni Ivana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD