Naalimpungatan si Detective Allen Mendoza.Halos Hindi niya namalayan na naka idlip siya ng may katagalan buhat sa kanyang pagiisip. Ang ulan ay tila hindi pa rin nagsasawang bumuhos, unti-unting pumapalo sa bubong ng guest house. Sa labas, halos hindi na makita ang paligid dahil sa kapal ng hamog. Pero sa loob, kakaibang lamig ang dumadaloy — hindi na dahil sa panahon, kundi sa pakiramdam na may mga matang patuloy na nagmamasid sa kanila.
Habang nag-aayos ng kanyang b***l, napansin niyang nakabukas ang maliit na drawer sa tabi ng mesa — at doon niya nakita ang isang lumang locket, kulay pilak, may ukit na mga pakpak ng anghel. Marahang binuksan ni Allen iyon at laking gulat niya nang makita ang isang maliit na papel sa loob. Sa madilim na sulok ng locket, nakasulat sa mapulang tinta:
> Find the second angel before the first bell.
Napakunot-noo si Allen. Ang handwriting ay maayos, ngunit halatang luma — parang isinulat dekada na ang nakaraan. Mabilis niyang inilabas ang kanyang notebook at isinulat ang clue.
ALLEN: “Second angel… first bell? Anong ibig sabihin nito?”
Lumabas siya ng kwarto upang hanapin si Chief Inspector Vonmark, ngunit wala ito sa sala. Tanging si Ivana lamang ang naroon, nakaupo sa gilid ng bintana habang pinupunasan ang buhok. Mukhang gising na rin ito magdamag.
IVANA: “Hindi ka nakatulog, ‘no?”
ALLEN: “Hindi rin naman ikaw. May nakita akong kakaiba.”
Ipinakita niya ang locket. Tumitig si Ivana, halatang may biglang naalala.
IVANA: “May nakita akong katulad niyan dati… sa simbahan ng San Bartolome. Nakalagay sa ilalim ng imahe ng isang anghel. Pero nasunog na ang parteng iyon.”
ALLEN: “Ibig mong sabihin, may connection ito sa simbahan?”
IVANA: “Baka. O baka naman ito ‘yung clue na gusto nilang ipahabol sa atin.”
Bago pa man makasagot si Allen, biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Vonmark, basang-basa at may dalang maliit na brown envelope.
VONMARK: “May kailangan kayong makita.”
---
Sa loob ng guest house dining area, inilapag ni Vonmark ang envelope. Mula roon ay inilabas niya ang ilang litrato — mga lumang black and white na kuha ng Sta. Monica Cathedral noong 1980s.
VONMARK: “Ito ang mga dokumentong nakuha ko sa archives ng simbahan. May binanggit doon tungkol sa ‘angels of penance’ — anim daw sila noon na sinasabing bantay ng mga lihim ng Sta. Monica.”
ALLEN: “Anim? Pero ang clue, ‘second angel’ lang.”
VONMARK : “Exactly. Kaya inisip kong baka may hierarchy sila — at may kinalaman ang pangalawang anghel sa susunod na target.”
Tahimik si Ivana habang tinitingnan ang mga larawan. Napansin niya ang isang imahe — isang estatwa ng batang anghel, nakahawak sa isang plauta. Sa ilalim nito ay may nakasulat: “The voice that guides the lost.”
IVANA: “Baka ito ‘yung ‘second angel’. Ang boses na gumagabay sa mga naliligaw.”
ALLEN: “At kung tama ka… may karugtong ito. Ang ‘first bell’ — maaaring tumutukoy sa unang misa ng kapistahan.”
Biglang tumahimik si Vonmark.
VONMARK: “Kung gano’n, kailangan nating makuha ang imahe ng anghel bago mag-umaga ng kapistahan. Dahil kung hindi…”
ALLEN: “…baka may susunod na mamatay.”
---
Gabi.
Habang binabagtas ng tatlo ang maulan at madilim na kalsada patungong San Bartolome Church, tanging mga headlights lang ng kanilang sasakyan ang nagbibigay-liwanag. Tahimik si Allen, habang si Ivana naman ay nakamasid sa labas, sinusundan ng tingin ang mga dumadaang anino ng mga puno.
ALLEN: “Ivana… kanina pa kita gustong tanungin.”
IVANA: “Ano ‘yon?”: “Noong nakita mo ‘yung unang clue — ‘SAY AMEN’ — may napansin ka bang kakaiba kay Vonmark?”
Napalingon si Ivana. Nasa likod si Vonmark, nakapikit, parang natutulog. Pero may narinig siyang mahina nitong bulong.
VONMARK: (pabulong) “Find the second angel…”
Napatingin si Allen sa rear-view mirror. Gusto niyang itanong, pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip, binilisan niya ang takbo ng sasakyan.
---
San Bartolome Church( The ruined church)
nasira ang ilang bahagi ng church buildings dahil sa kalumaan dulot ng magkakasunod na bagyo at Lindol. Naka schedule na sana itong i-renovate pero dahil sa sunod sunod na p*****n ay pansamantala itong ipinagpaliban na katulad din ng isa pang church buliding na kasunod nito, ang San Clemente Church.
— 12:48 a.m.
Basang-basa ang mga hagdan ng simbahan. Sa ilalim ng kupas na harapan nito, may nakalagay na lumang imahen ng anghel na may plauta — eksaktong kapareho ng nasa litrato.
Lumapit si Allen, tinutukan ng flashlight. Sa paligid ng base ng estatwa, may mga lumang ukit. Binasa niya ang isa:
> “To those who hear her song, redemption awaits.”
ALLEN: “Redemption? Pero kaninong tinig?”
Bago pa siya makasagot, napalingon siya nang biglang marinig ang isang pamilyar na awit. Mula sa loob ng simbahan, may mahinang tinig na kumakanta ng Ave Maria. Boses ng babae — malambing pero may lungkot.
VONMARK: (mahina) “That song…”
Biglang tumakbo si Vonmark papasok ng simbahan. Sinundan siya nina Allen at Ivana. Sa loob, sa tapat ng altar, nakaluhod ang isang Madre, nakaputing belo, nakatalikod sa kanila habang patuloy na kumakanta.
ALLEN: “Sister? Nasaang kongregasyon po kayo?”
Hindi ito sumagot. Sa halip, itinuro nito ang imahe ng Birheng Maria sa tabi ng altar. May nakasabit doon — isang rosaryong kulay pula, at sa dulo nito… isang daliri na may suot na singsing.
Napasinghap si Ivana.
ALLEN: “My God…”
Dahan-dahang lumingon ang Madre. Mabagal, parang may bigat ang bawat galaw. Nang makita nila ang kanyang mukha — maputla, payapa, ngunit may bakas ng luha — tila nag-freeze ang lahat.
MADRE: “Ang ikalawang anghel ay hindi ang hinahanap niyo… kundi ang nilikha nila.”
Biglang bumukas ang mga pinto ng simbahan, at pumasok ang malakas na hangin, sabay nawala ang ilaw. Tanging boses ng Madre ang naiwan, halos parang bulong.
MADRE: “Kapag tumunog ang unang kampana… hindi lang panalangin ang maririnig niyo.”
Pagbalik ng liwanag, wala na ang Madre. Naiwan lamang ang rosaryong may daliri — at sa tabi nito, isang bagong papel na basa ng ulan:
> “The third waits where the choir never sings.”
---
Tahimik si Vonmark habang binabasa ang mensahe. Halata ang tensyon sa kanyang mukha, parang may bagay siyang alam pero hindi masabi.
ALLEN: “Vonmark… may itinatago ka ba sa amin?”
VONMARK: (malamig ang tono) “wala akong alam sa mga sinasabi niyo, parepareho lang tayong naghahangad ng kapayapaan para sa Sta. Monica.” mariing sabi nito. Napaka kagat sa labi si Ivana batid niyang nasaling ang ego ng lalaking lihim niyang sinisinta.
ALLEN: " Saan nagpunta ang Madre?kailangan natin siyang makausap." agap nito,pero wala na roon ang Madre tila aninong nagtago sa dilim.
IVANA: " Von, Allen...come look at this? "
dahan dahang sinungkit ni Vonmark ang Rosaryo na nakasabit sa leeg ng imahe ni birheng maria and upon closer inspection ay bumulaga sa kanilang paningin ang isa pang daliri at ng suriin nila ang singsing ay nakilala nila ang may ari.
VONMARK: " M.C." marahan nitong sambit
IVANA: " Oh my God, si Mang Carlos"
Hindi umimik si Allen, nagpalipat lipat lang ang tingin niya sa dalawa nitong kasamahan.
---
Sa labas ng simbahan, muling bumuhos ang ulan.
Buhat sa hindi kalayuan sa likod ng isang sasakyan na nakaparada sa dilim, may isang nilalang ang tahimik na nakamasid sa kanila — malamig, mapanuri, at puno ng galit.
Sa kanyang kamay, may hawak siyang Pana na may largabista at nakatutok iyon una kay Ivana at sumunod Kay Allen.
Ang tunog ng mga patak ng ulan sa bubong ay sumasabay sa paminsan minsang pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Na lalong nagpasidhi ng mga kilabot sa tila napakabagal na pagsapit ng umaga.