Wala sa sarili si Vienna habang naglalakad sa hallway ng kanilang department. Maraming tumatawag sa kaniya ngunit kahit isa sa mga ‘yon ay hindi niya napansin—hindi pinapansin. Lutang na lutang siya dahil sa mga nangyayari sa loob ng bahay nila. Busog na busog na naman ang mga tsismoso’t tsismosa sa kanilang lugar. Maya’t-maya ang puna kahit hindi naman kailangan ang boses nila. Hindi na nga maintindihan ni Vienna kung saan nanggagaling ang mga kwento nila. Ang layo sa totoong reyalidad ng buhay niya. “Nako, hindi na ako magugulat kung hindi na umuwi ang papa niya.” Wala naman na talagang uuwing Papa niya. “Sabi ng Tita ko, noon pa ay kung sino-sino raw ang lalaki na kasama ng mama niya. Kaya siguro puro lalaki ang kaibigan niya.” “May pinagmanahan!” Kagat-labi na nagpatuloy sa pagl

