“Lahat kayo ay mamarkahan ko na lumiban at walang iskor sa pagtataya o sisimulan ko na ang pagtawag sa inyong pangalan?” Seryosong ani ng kanilang guro habang nakatingin sa buong klase. Hindi naman ganoon ka-strikto ang kanilang guro. May oras para sa biruan pero kapag oras ng klase ay kailangang iisantabi muna ang pag-aasaran. Ang bawat estudyanteng matatawag ay kailangang tumayo kapag narinig ang pangalan. Matapos silang tawagin ay ‘saka lamang sila pwedeng magsalita. Tumikhim ang kanilang guro at humarap na sa Attendance Sheet. “Azargon, Benedict…” “Ang estudyanteng hindi natutulog sa klase pero natutulog sa Guidance Office, narito po Binibini,” malaki ang boses na nagtunog tumutula at nag-bow pa. “Cruz, Dylan…” “Hindi ako pinaglihi ng mama ko sa asukal pero nilalanggam ang aking

