2

1066 Words
“Ano ‘yan, Ma? Bakit ang daming cases ng suicide ngayon?” Naupo si Zeuter katabi ng kaniyang ina. Kasalukuyang palabas sa telebisyon nila ang balita na maraming nagpapakamatay. Ayon sa mga pulis ay pare-pareho ang dahilan ng pagkamatay ng mga iyon. Hinihiwa ang sarili sa dibdib at pagkatapos ay isasabit ang sarili. “Depress daw ang sabi. Nakakatakot nga at may kapitbahay tayong gan’yan din ang nangyari,” tugon ni Zeria kaya nagulat siya. Hindi niya alam iyon dahil wala naman siyang nakikitang burial sa mga bahay-bahay na nadadaanan niya. "Huh? Sino?" “Si Lino. Kaklase mo ‘yon ‘di ba?” Nanlaki ang mga mata niya. Kasama niya lang kanina sa klase ang tinukoy ng kaniyang ina. Kaunting oras pa lang ang nakakalipas tapos ganoon na agad ang nangyari sa kaklase niya? “Nakakaawa talaga iyong bata. Pagkauwi raw kanina ay hindi na lumabas ng kwarto kaya pinuntahan ni Mary. Ang kaso wala na. Nahuli na.” Hindi nakaimik si Zeuter. Maayos naman ang lagay ni Lino kanina kaya bakit magpapakamatay na lang ito bigla? “Sinabi ko na sa’yo, hindi sila ang mga kaklase mo.” Kinilabutan si Zeuter nang marinig na naman ang malalim na boses. Simula nang mag-birthday siya ay palagi na niya iyon naririnig. Hindi niya maintindihan dahil wala namang ibang tao ang nasa paligid niya. “May nakita akong maliit na aso sa kwarto mo. Hindi mo sinabing nag-apon ka,” nabaling ang atensyon ko kay Mama. "Huh?" Tumagilid ang ulo ni Zeuter sa kalituhan. Wala siyang inaampon! Ni hindi nga niya iyon nakita noong nagising siya kaninang umaga. “Oh, bakit?” Lito ring ani ni Zeria. Umiling na lang ang binata at nagpunta sa kwarto niya. Tama nga ang kaniyang ina. The puppy looks like a wolf and sleeping on his bed. Kumawag ang buntot nito nang subukan niyang lumapit. Mas lalong kumunot ang noo niya nang bumukas ang mga mata ng aso nang ilang pulgada na lang ang kanilang lapit. Itim na itim ang mga mata nito pero nang magtama ang kanilang mga mata ay nagpalit ito sa kulay pula. Kinabahan siya dahil mukhang mangangain ng tao ang maliit na hayop na nasa harapan niya. “Siya si Ruza, ang regalo ko ngayong kaarawan mo.” Napamaang pa siya lalo. Natumba siya nang tumalon ang aso sa kaniya. Dinila-dilaan siya nito na parang matagal na silang magkakilala. “Palagi mo siyang dalhin kung saan ka man pupunta. Si Ruza ang magsisilbing panangga mo sa kung ano mang kapahamakan.” Hindi na nakapagpigil si Ruza. Inalis niya ang aso sa katawan niya at mabilis na bumangon. Luminga-linga siya sa buong kwarto at kahit walang nakikita ay nagsalita siya. “Sino ka ba?” Medyo malakas na sabi niya. Sumakit ang kaniyang dibdib kaya napahawak siya rito. Iba iyon sa sakit na naramdaman niya kahapon. Hindi iyon ganoon katindi pero mainit at parang may hangin na pumapalibot. “Ano? Bakit hindi ka magsalita ngayon?!” Nagagalit na wika niya pa. Mas nadagdagan ang init sa kaniyang dibdib kaya tuluyan nang napunta roon ang kaniyang atensiyon. Naririnig niyang tumatahol ang maliit na aso pero dahil sa sakit ay hindi niya ito mapansin. “Hindi ka pwedeng makipag-usap sa akin. Hangga’t nananaig ang kagustuhan mong makausap ako ay hindi titigil ang sakit sa dibdib mo.” That’s insane! Kung hahayaan niya lang ang boses na iyon na guluhin ang isip niya ay hindi niya magagawa ang gusto nitong mangyari. Gusto niyang malaman kung sino ito at paano niya naririnig iyon. Ngunit ang sakit ay lalong tumibay kaya napaupo na siya sa sahig. Tumahol-tahol ang aso at mismong dibdib na niya ang dinilaan nito. Hahawiin niya sana iyon pero sa bawat hagod ng dila ng aso ay nawawala rin ang init sa dibdib niya. “Pigilan mo ang sarili mo kung gusto mo pang manatili sa mundong ito.” Iyon na ang huling beses na narinig niya ang malalim na boses. Lumipas ang ilang linggo na wala na siyang nararamdaman na kung ano. “SAAN ka mag-ka-college, Zeu?” Bakasyon na ay magkasama pa rin silang dalawa. Ilang bahay lang naman ang layo ng kanilang tirahan kaya hindi mahirap sa kanila ang pagkikita. “Same school pa rin. Alam mo namang ayaw ni Mama na lumayo ako dahil kay Papa,” medyo nalungkot ang boses niya sa huling sinabi. Gustong-gusto na niyang makita ang Papa niyang si Henry pero hindi siya palaging nabibigyan ng panahon. Kapag may sumusundo sa kaniya na tauhan ng kaniyang ama ay palaging sumasakto ang tawag ng kaniyang ina. Parang alam nito kung kailan siya pupuntahan ng tauhan. “Why did they broke up, by the way? I think tito Henry loves her naman noong buo pa ang pamilya niyo ‘di ba?” Tumango siya kahit wala naman siyang gaanong alam. He’s not sure about that because the reason why his parents got married is arrange by his grandparents. “Siguro ay hindi na sila masaya sa isa’t-isa.” Iyon na lang ang sinagot niya. Hindi niya masabi sa kaibigan niya ang isa sa alam niyang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang Mama niya. Natatakot siyang layuan siya nito kapag nalaman niyang nagmula siya sa isang masamang pamilya. “Ikaw ba saan ka mag-aaral?” Baling niya sa ibang pag-uusapan. “Malamang susundan kita! Kopyahan is the key, bro!” Nakipag-fist bump sa kaniya si Vienna kaya natatawang tinaas na lang niya ang kamao. Akala mo naman talagang magpapakopya. Lumingon nga lang sa gawi niya si Zeuter ay tatalakan na siya nito na huwag titingin sa kaniyang papel kung ayaw niyang mabangasan. “Eat your cake, Vienna, Ang dami mong sinasabi riyan.” “Easy ka lang diyan, Zeu. Nagtatrabaho pa mga alaga ko sa tiyan for the space.” Pinagtawanan na lang ni Zeuter ang katopakan ng kaibigan. Nang balingan niya ang asong medyo lumaki na ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagugustuhan na niya ito. Parang kailan lang nang matakot siya rito dahil sa pabago-bago ng kulay ng mga mata. Medyo weird pa nga dahil siya lang ang nakakakita. "What is the name of your dog again?" "Ruza," after saying that, the dog barked. “Wow! Naiintindihan ka niya!” manghang bulalas ni Vienna. Of course, Ruza is not an ordinary dog. Sabi na lang niya sa isip. Kung gaano kawirdo ang laman ng panaginip niya ay ganoon din ang mga nakakasalamuha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD