1

1216 Words
TAON-taon ay nakasanayan na nina Zeuter at Vienna na mag-star gazing kapag sumasapit ang buwan ng kaarawan ni Zeuter. Tuwing marso ay napapadalas ang shooting stars kaya hindi iyon pinapalagpas ng dalawa. Pupunta sila sa pinakatuktok ng bundok, maglalatag ng sapin at tutulala sa madilim na kalangitan. “Ang swerte ng birthday month mo, Zeu!” Masayang komento ni Vienna. Kumikislap ang kanilang mga mata habang pinapanood ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga bulalakaw. Nakakamangha dahil nagmumukha lang itong guhit na desinyo sa itaas. Dagdagan pa ng mga bitwin na mas kumukutitap kapag natatamaan ng bulalakaw. “Ang ganda,” dagdag pa ng dalaga. Zeuter watches the shooting stars quietly. May bumabagabag sa kaniya kaya hindi niya magawang enjoy-in ang magandang palamuti sa langit. Para sa kan’ya ay kalokohan lang ang lumalabas sa kaniyang isip. Imposible ‘yon. Walang ganoon. “If you have one wish right now, Zeu, ano’ng hihilingin mo sa isang shooting na babagsak ngayon?” Kuryusong tanong ng kaniyang kaibigan. Napaisip naman si Zeuter. He doesn't know. He thinks hard, but the only thing that comes to his mind is to see the truth behind the black smokey effects on his chest. “Hihilingin kong sabihin sa akin ang kakaibang nangyayari sa buhay ko ngayon,” tugon niya. “Ang baduy naman no’n, Zeuter!” Napangisi lang ang lalaki. Hindi iyon maiintindihan ni Vienna dahil wala naman ito sa katayuan niya. Hindi siya ang nakakaramdam ng pisikal na sakit sa dibdib habang lumalaki ang kung ano sa kaniyang kaliwang dibdib. “Gan’to humiling, Zeu!” dugtong pa ni Vienna at pinikit ang mga mata. “Hinihiling kong magustuhan ako ng taong mas manhid pa sa paa ko.” Nagtawanan silang pareho. Vienna knows how to make his heart beats so fast. Iniisip na lang niyang biro ang lahat dahil hindi pa sila handang pareho sa ganoong bagay. Gusto ni Zeuter, bago niya aminin sa dalaga ang nararamdaman niya ay may kasagutan na ang lahat ng tanong na gumugulo sa kaniyang isip. It doesn't make sense. Simula nang magkaisip siya, palagi na lang may nangyayaring kakaiba sa kaniya. Bukod sa panaginip niyang talagang hindi kapani-paniwala ay may marka siya sa dibdib na noong una ay isa lang maliit na nunal. Hindi nga siguro nunal iyon. Kada sasapit ang kaniyang kaarawan ay sumasakit ng husto ang kaliwang dibdib niya na tumatagos hanggang puso. Mahapdi. Mainit. Kakaiba sa pakiramdam pero wala siyang napagsabihan. Ang dating nunal ay isa na ngayong maitim na usok. Duda siyang ganoon lang iyon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Parang may umuukit na matulis na bagay. Mainit sa pakiramdam, nakakapaso. Hindi na niya napigilan pang hawakan ang kaniyang dibdib. “Hala, ang daming shooting stars!” Narinig niya ang sinabi ni Vienna pero hindi na niya iyon natugunan dahil lalong dumagdag ang sakit sa kaniyang dibdib. Namamawis na ang kaniyang katawan. Hindi na niya maintindihan kung paano ipaliliwanang kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. “Maghahanap lang ako ng CR,” pinilit niyang maging normal nang magsalita siya. Tumango lang sa kaniya si Vienna pero hindi na niya nakita pa iyon dahil mabilis siyang bumangon. Hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib habang naglalakad palayo. Kung saan-saan siya nagsusuot para lang hindi na siya masilayan ni Vienna. Hingal na hingal siyang huminto sa isang malaking puno. Sumandal siya roon at pinikit ng mariin ang mga mata. “Tanggalin mo ang damit mo!” Napadilat si Zeuter nang may marinig na malalim na boses. Nagpalinga-linga siya pero tanging mga puno lang ang kaniyang nakita. Kinabahan siya lalo dahil lalong dumidilim ang buong paligid. “Hubarin mo na para makawala ako rito!” Nataranta siya nang muling marinig ang malalim na boses. Pinakiramdaman niya ang buong paligid pero wala siyang narinig na kahit anong kaluskos. Tanging mabibigat na paghinga niya lang at nang kung sino sa kaniyang isip. “Ilang minuto na lang ay kaarawan mo na. Kapag hindi mo pa hinubad ang damit mo ay habang-buhay na akong makukulong sa’yo!” Like what the voice wants, he takes off his clothes, and the darkness invades the whole forest. Mas nanaig ang sakit na kumalat sa kaniyang dibdib. Paulit-ulit na parang umuukit. Pumikit siya nang magsimulang lumutang ang kaniyang katawan. May kakaibang dumadaloy sa kaniyang katawan at ilang segundo lang ay may liwanag na lumabas sa kaniyang dibdib. Napaliyad siya at nagbukas ang kaniyang mga mata. Isang senaryo ang nakita niya na kung saan ay nawawarak ang parehong mundo na ginagalawan niya. Maliwanag at galing sa taas. NAGISING siya sa sarili niyang kwarto. Hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi kaya bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Tumayo siya at dumiretso sa banyo kahit nalilito. Nakasanayan na niyang simulan ang umaga sa paglilinis ng sarili. Feeling niya ay magkakasakit siya kaya naisipan na lang niyang maligo para mawala ang mainit na singaw ng kaniyang katawan. Nang hubarin niya ang damit at humarap sa salamin ay tumambad ang kaniyang dibdib. Napaatras siya at hindi makapaniwalang hinawakan ang parteng may itim na nakaukit. Isang nakabaliktad na tatsulok at maraming guhit sa paligid. “What the hell is this?!” Naguguluhang aniya at hinawakan ang ukit. Wala siyang sakit na maramdam. Nang lumandas ang kaniyang daliri roon ay ramdam niyang parang isang mainit na karayom ang pinang-ukit doon. Malalim ng kaunti ang bawat guhit kaya nagtataka siya kung paanong hindi siya makaramdam ng sakit. Sa sobrang kalituhan ay lumabas siya ng banyo at hinanap ang kaniyang cellphone. Sa pagkakaalala niya ay magkasama sila ni Vienna kagabi para manood ng shooting star. “Vienna!” Atat niyang sabi nang sagutin ng dalaga ang kaniyang tawag. "Bakit naninigaw ka?" “Ano’ng nangyari sa akin kahapon?” Diretso kong tanong. Hindi agad siya natugon ni Vienna kaya inulit niya ang tanong. “Baliw ka na ba? Sabay tayong umuwi kahapon tapos hindi mo alam? Nag-aadik ka na ba?” He ended the call when the realization hit him. So it was not a dream? Ang lahat nang nangyari noong magpaalam siya kagabi kay Vienna ay talagang nangyari. Hindi lang isang panaginip iyon dahil talagang nangyari. Napahawak siya sa kaniyang buhok at sinabunutan iyon. Nagpalakad-lakad siya sa kaniyang kwarto at tulalang inisip ang nangyari. "I'm crazy! It's getting crazy! What the hell is that?!" Ginawa niya ang mga dapat niyang gawin. Hinayaan niya lang ang lahat sa kaniyang isip at pumasok sa silid. "Happy birthday to you!" his classmates starts to sing when he enters the room. Hindi niya inaasahang gagawin iyon ng mga kaklase niya dahil halos ga-graduate na sila ng grade 12. Natawa siya at pansamantalang nakalimutan ang nangyari kahapon. “Sino namang may pakana nito?” Natatawang lumapit siya sa dalagang may hawak na cake. “Sino pa ba, Pre?” ngumisi ang lalaki niyang kaklase at nginuso si Vienna na hawak-hawak ang cake. “Mag-wish ka na lang, Zeu! Daming arte, s-in-urprise ka na nga eh!” Napailing na lang siya at ngumiti. Hinipan niya na agad ang nakasinding kandila at nagpalakpakan naman ang mga kaklase niya. “Huwag mo silang hayaang ngitian ka dahil ano mang oras ay papatayin ka nila!” Kumunot ang noo ni Zeuter nang marinig ang parehong boses kahapon. Mas lalong lumalim iyon na parang naririnig niya talaga sa sariling katawan. “Hindi sila ang mga kaklase mo kaya huwag kang magpalinlang!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD