Unang beses na nagkuwento si Zeuter sa kaniyang kaibigang babae na si Vienna tungkol sa kan’yang mga napapanaginipan ay palagi lang siyang pinagtatawanan. Hindi naman sumagi sa isip niya na mainis kay Vienna dahil maski siya ay hindi iyon sineseryoso. He was ten years old when he started to dream about magic. Palagi siyang nanonood ng mga pelikula na may temang pantasiya. Iniisip na lang niya na kaya gano’n ang kan’yang napapanaginipan ay dahil sa kan’yang mga napapanood. “Zeu, itigil mo na lang kasi ang panonood ng kung anu-ano,” sita pa ng kan’yang kaibigan. “In case lang naman, Vien. Malay mo kasi talaga,” pangungulit pa ng batang Zeuter. Nakagawian na nilang mag-usap tuwing sasapit ang oras ng recess. Palagi naman silang may baon kaya hindi na sila nag-aabala pang bumili sa can

