Habang ang lahat ay seryosong nag-uusap ay biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang kanilang mga mata at napatalon pa dahil sa gulat. Hindi nila alam kung hihinga na ba sila ng maayos nang makitang si Vienna ang pumasok. Si Ruthyst ang unang nakabalik sa sarili. Tumayo siya at unti-unting nilapitan si Vienna. Nag-aalangan pa siya ngunit nilakasan na niya ang loob niya. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Vienna. Ang mga mata ay nanatiling itim at tila wala sa sariling sumusunod sa utos. “Vienna…” Nabulalas ni Ruthyst. Wala namang naging tugon ang babae. Nakatayo lang ito ng tuwid na tila naghihintay ng utos mula sa isip. Hindi naman magawang tumingin ng ibang kaklase dahil sa nakakatakot nitong mga mata. Kinakabahan sila sa kung ano’ng gagawin sa kanila ng Vienna. “Vienna… Si Ruth

