36

1571 Words

"Anak gising na, ma-le-late ka na sa school niyan." Narinig niyang saad ng kan’yang Mama kaya agad na siyang nagmulat ng mga mata at nakita niya ang nakangiting mukha ni Zeria. "Maghilamos ka na, Anak, at nakahain na rin ang almusal mo." Muling sambit pa rin ng Mama ni Zeuter Phire. Pagmulat niya ng kan’yang mga mata, tumambad sa kan’ya ang kisame ng kwartong tinutuluyan niya. Isang panaginip? Oo tama, isang panaginip ng masayang imahe ng kan’yang jna. Ang mga sandaling pilit inaalala ng binata. Hindi pa man siya nakakabangon ay naririnig na niya ang sigaw ng babae mula sa labas ng kwarto. "Zeuter, kailangan mo nang gumising!" Mabilis na bumangon ang binata at tumalima sa sinabi ni Eucarise. "Hoy kayong tatlo! Kailan ba kayo magtitino?! Inubusan niyo na naman ng pagkain si Zeuter!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD