Malamig ang simoy ng hangin bandang hapon sa Enchantra Academia. Marami ang gustong makausap si Zeuter ngunit dahil sa nangyari sa babae ay wala nang nangahas. Hindi rin naman nila inaasahang ganoon ang gagawin ng isang batang tsim. Nagulat na lang sila nang kumalat ang balitang iyon mula sa mga nakasaksi sa nangyari. Habang nakahiga si Zeuter sa isang naputol na tangkay ng puno ay may lumapit ditong isang babae. Hindi agad naramdaman ng lalaki iyon dahil ang braso nito ay nakapatong sa kan’yang noo habang nakapikit. Kung titingnan ay mukha itong nasa malalim na pagtulog ngunit alam ng babae na nalulunod lang ito sa sariling naiisip. Nakatitig man ay hindi nagawang magulo ng lalaki. Pinanatili naman ng babae ang mahihinag paghinga at maririing tingin sa inaakala nilang prinsepe. “Malo

