Hindi mawari ni Zeuter kung ano ang kan’yang naaamoy. Nakakasulasok at tila hindi niya mawari kung paano ipaliliwanag ang itsura ng aparuah. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay nakikita na niyang puro buhangin at matitigas na batong nagliliyab ito. Ngunit gaano man ito katigas ay nawawarak pa rin ito at iyon ang bumabagsak sa Infelicis. “Simulan mo na!” Boses ni Parsua ang kan’yang narinig. Hindi na siya nagsayang pa ng oras. Habang may naglalaban sa ibaba ay siya namang pagpikit niya. Wala s’yang damit pang-itaas dahil iyon ang isa sa utos ni Parsua. Ang lahat ng enerhiyang kan’yang mahihigop ay didiretso sa kan’yang dibdib. His body was slightly slanted. Ang harapan ay nakaharap sa aparuah. Ang kan’yang mahabang buhok ay sumasayaw sa hangin na kan’yang inilabas. Masyadong nakakap

