Magulo ang gabi sa loob ng Enchantra Academia. Ang kalansingan ng mga armas ay nagmistulang musika sa kanilang mga tainga. Kung saan-saan may tumatakbo. Kung anu-anong mahika ang nagtatagisan at nagtatagpo. Kapusin man ng hininga ay hindi pa rin sila tumitigil. Madapa o tumama man sa puno ay iindahin man ay magpapatuloy pa rin sa pakikipaglaban. Abutin man ng magdamag ay handa silang idilat ang kanilang mga mata. “Ayan, sibatin niyo lang ang mga itim na ‘yan!” Sigaw ni Kleries ang paulit-ulit na naririnig sa buong paligid. At dahil hindi naman masyadong matalab ang kan’yang kapangyarihan sa mga itim na sicile ay wala siyang ginawa kundi ang magsisisigaw. “Napakaingay!” Naiiritang puna ni Lady Euc. Dahil magkalapit lang sila ni Kleries ay binging-bingi siya sa mga sigaw nito. Nagpamey

