Isang tipikal na araw para sa mga sicile ang ganap nila para sa araw ng sabado. Wala namang ibang nangyayari bukod sa pagtatangka ng mga itim na sicile na sumugod. Ilang beses na ring may nagpupunta na maharlika sa Enchantra Academia para mapigilan ang kaguluhan. “Ang tanga-tanga naman! Hindi kasi gan’yan.” Nagugulat na napalingon si Zeuter kay Kleries nang bigla siya nitong binatukan. Hindi pa nga nakuntento sa isa. Dumalawa pa at tumatlo pagkatapos laitin ang kan’yang pag-eensayo. Tama naman nag paghawak niya sa pana. Duda si Zeuter sa babaeng kasama niya. “Gusto mo lang akong batukan eh!” Iritang aniya pa. Iyon nga ang tama. Narinig na niya ang hagikhik ni Kleries na napapahampas pa sa kan’yang braso. Minsan ay hindi niya malaman kung bakit panay ang sama sa kan’ya ng babae. Napa

