CHAPTER 2 - PINK DRESS

2039 Words
Nagpapatuyo ako ng basa kong buhok sa harap ng aking tokador, nang bahagya akong nagulat sa biglang pagpasok ni Angelica sa pintuan. Agad kong pinatay ang hair dryer na hawak ko, at saka binalingan si Angelica. “Nakakagulat ka naman!” Nagkibit-balikat lang ito. “Sorry. Kanina pa ako kumakatok. Eh, hindi mo yata naririnig, kasi maingay ‘yang blower mo.“ Bahagya pang tumaas ang isang kilay nito. Hindi na ako nagreklamo, may katotohanan naman kasi ang sinabi niya. Nagulat lang ako talaga, kaya medyo napataas ang boses ko. “Ano ba ‘yun?” Ngumiti si Angelica. Ito ang pangalawang beses na nginitian niya ako nang ganito. Iyong una ay nung una niyang ma-meet si Pablo nung nagpunta dito sa bahay namin. Pinilit kong balewalain na lang ang obserbasyon kong iyon. Anyway, Angelica is Angelica. “May isusuot ka na ba mamaya?” Napakunot-noo ako sa tanong ni Angelica. Isusuot para sa dinner namin kasama ang pamilya ni Pablo? Ano ba’ng tumatakbo sa isip nitong si Angelica? This time, ako naman ang nagkibit-balikat. "Hindi ko pa alam. Marami namang damit diyan sa closet ko. Iyong iba once ko lang naisuot. Puwede na 'yun. Pipili na lang ako,” sagot ko, sabay nguso ng direksiyon ng walk-in closet ko. Biglang nanlaki ang mga mata ni Angelica. “What?! You mean, hindi mo man lang pinaghandaan ang pagdating ni Pablo at ng parents niya? Ano ka ba naman, Jazz?” Napamaang ako kay Angelica? Kailan pa siya naging concern sa akin sa ilang taon ng existence ko dito sa pamilyang ito? Magsasalita sana ako nang naunahan ako nito. “Wait. Babalik ako,” sabi niya, at saka dere-derecho nang lumabas ng kuwarto ko. Nasundan ko na lang ito ng tingin habang papalabas ito ng kuwarto ko. Ilang minuto na itong nakalabas, pero puzzle pa rin sa akin ang kakaiba niyang ikinikilos. Minabuti kong ituloy na ang pagpapatuyo sa buhok ko, para makapaghanda na ako, dahil mayamaya lang ay darating na si Pablo at ang pamilya niya. Inililigpit ko na ang hair dryer nang muling pumasok si Angelica sa kuwarto ko na may bitbit na ilang piraso ng mga damit. “Isukat mo na, dali!” sabi nito, habang mabibilis ang mga hakbang papunta sa puwesto ko. “Ano ‘yan?” namamangha na tanong ko sa kanya. Pinaikutan niya ako ng mga mata niya, at saka sumagot. “Damit! Hello? Hindi ba obvious?” “Alam ko. I mean… bakit ko isusukat? Mga damit mo ang mga 'yan." “Para malaman natin kung alin ang bagay sa’yo.” "Para saan?” naguguluhan ko pa ring tanong. “Para isuot mo ngayon. Duh?” maarteng sagot nito. Hindi ko maiwasang hindi kumunot ang noo ko. Kanina pa talaga ako nagtataka. “Bakit kailangang damit mo ang isuot ko ngayon? As far as I can remember, hindi mo naman ako pinapahiram ng damit mo. Di ba?” Muling umikot ang mga mata nito, at saka humalukipkip. “That’s what will I get? Ako na nga ang nagmamalasakit dito, oh!” “Nagtataka lang ako. At saka, marami pa naman akong mga damit sa closet ko.” “Duh? Ang babaduy kaya ng mga damit mo!” sagot ni Angelica. “Hindi baduy ang taste ko. Masyado lang sexy ang choice of clothes mo.” Umirap sa hangin si Angelica. “Okay, fine. Tumayo ka na diyan, at isukat mo na itong mga dala ko. Buti na lang at itong mga nadampot ko eh hindi masyadong sexy. Tayo na!” “Hindi na, Angelica.” “Aw… nakakasakit ka naman ng damdamin, sis!” “Sis??” Ano ba kasi talaga ang meron ngayon at ganito si Angelica? Una, iyong ngiti niya. Once in a lifetime lang 'yun. Tapos ngayon, ipapasuot niya sa akin ang damit niya? Wow... “Oh, bakit? Magkapatid naman talaga tayo, ah?” “Oo nga. Pero ever since hindi mo naman ako tinawag nang ganyan. Sis? Kasi, ang alam ko... hindi naman ganyan ang tingin mo sa akin. Hindi kapatid ang turing mo sa akin. Hindi ba tama ako?” sagot ko kay Angelica. “Arte naman nito! Daming sinasabi... Ako na nga ang nagpapakumbaba dito, eh. Tumayo ka na riyan! At pumili ka na dito sa mga damit na dala ko.” It hit me bull’s eye. Oo nga naman. Pagkatapos ng mahabang panahon na hindi kami nagkakasundo ni Angelica, eto siya, at kusang gumagawa ng paraan para maging magkasundo na kami. May pagdududa man sa part ko, wala akong nagawa kung hindi huminga nang malalim, at tumayo na. Napangiti naman si Angelica sa ginawa ko. "Ayan.... Here. Look at this dress. I think babagay sa balat mo ang yellow. Lalo kang titingkad dito. Saka hindi mababa ang neckline nito, kaya swak pa rin sa taste mo,” litanya ni Angelica, habang inilaladlad sa harapan ko ang isang kulay floral yellow na damit. “Oh, etong pink? Sleeveless siya tapos V-neck ang line. Medyo malalim nga lang ang neck line niya, pero keri pa rin naman. Pasok pa rin naman sa standards mo kasi hindi naman aabot sa cleavage mo 'yung cut. Ay, wait! May cleavage ka ba?” Tinaasan ko ng isang kilay si Angelica. "Ano’ng akala mo sa akin? May maipagmamalaki rin naman ako pagdating sa department na ‘yun, 'noh!" Tingin ko nga, halos same lang kami ng bust measurement. “Okay. Eh, di sorry. How about this? Jumpshorts. Bagay din sa iyo ang powder blue na color, saka hindi--” umpisa uli ni Angelica, sabay ladlad ng isa pang damit na hawak niya. "Hindi na. Iyung pink na,” putol ko sa sasabhin pa niya. Ayoko rin kasi ng maraming pagpipilian. Baka matagalan pa. Gusto kong naka-ready na ako bago pa dumating sila Pablo. Isa pa, para matapos na kami ni Angelica. Tutal naman, the pink dress is not that revealing, but enough to show some skin. Hinablot ko mula sa braso ni Angelica iyong stripes na pink na kakaalok niya lang sa akin. Mataman kong tiningnan si Angelica, at saka nagtanong. “Sure ka bang ipapahiram mo sa akin itong damit mo?” “Oo nga... Kulit mo rin, Jazz.” Nagkibit-balikat ako. “Naninigurado lang,” sagot ko, at saka naglakad na ako papunta sa walk-in closet ko para isuot na iyong damit na ipinahiram sa akin ni Jazz. Nagulat pa ako nang sa paglabas ko ay naroroon pa si Angelica, nakaupo sa gilid ng kama ko, at mukhang naiinip na sa pagkaka-upo doon. Kung tutuusin naman ay sandali lang naman akong nagbihis. “Oh? Bakit nandito ka pa?” tanong ko sa kanya. “Hinihintay ka. Ano pa ba?” “Bakit?” “Para make-up-an ka.” “Ha? Bakit pa? No need! Sila Pablo lang ‘yung darating, ano ka ba?” “No, sis. Sila Pablo ‘yun. Sila. Kasama niya ang mga parents niya. Kaya kailangan maganda ka ngayon.” Napataas ang isang kilay ko. “Bakit? Pangit ba ako? As far as I know, ilang beses akong kinukuha para sa Bb. San Clemente, ako lang ang tumatanggi. Hindi ko type ang rumampa sa stage sa harap ng maraming tao.” Ngumiti si Angelica. “Okay. Re-phrase. I mean, kailangan presentable ka.” “Presentable naman ako, ah. Hindi ko na kailangang mag-makeup. Saka, nakita na naman nila ako sa ganitong itsura, bakit kailangang pang magpatong ng make-up? Hindi na! Ang mabuti pa, magbihis ka na rin.” Hindi sinasadyang napagmasdan ko ang suot nito na romper. “Iyan ba ang isusuot mo?” tanong ko kay Angelica. “Well, yes… hindi na ako magdi-dress. Ayaw kitang matalbugan. I’ll just settle with this simple romper,” may konting yabang na sagot ni Angelica, pero may kakaibang ngiti sa mga labi. Palihim na tumaas ang isang kilay ko. Simple? Pero halos litaw na ang kalahati ng dibdib niya at naka-display ang kalahati na ng mga hita niya? “Okay.” Iyon na lang ang isinagot ko sa kanya. Ayaw ko nang makipagtalo pa at ayokong masira ang mood ko. May sasabihin pa sana sa akin si Angelica nang may biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Sino yan?” tanong ko sa kung sino man ang nasa labas. Bumukas ang pintuan at iniluwa si Magda, ang isa naming kasambahay. “Mam Jazz, dumating na raw po ang bisita n’yo sabi po ng Mama n’yo.” “Salamat, Magda.” Binalingan ko si Angelica para yayain na sana itong bumaba, pero mabilis itong nakatayo at naunahan pa akong naglakad papunta sa pintuan. Pero bago ito tuluyang makalabas ay huminto ito, habang hawak ang doorknob ng pintuan. “Ano pang hinihintay mo diyan, Jazz? Tara na! Goodness, Jazz! Kahit kailan ang bagal mong kumilos,” sabi nito na may iritasyon sa tunog ng boses niya, at saka tuluyan nang lumabas ng piintuan. Naiwan akong nakatanga doon. Napailing na lang ako, at saka tahimik nang naglakad palabas ng kuwarto ko. NAABUTAN ko na nasa sala na si Pablo at ang mga magulang nito, kasama ang nag-iisang kapatid na si Roselle. Nandoon din si Mama at ang kadarating lang din na si Angelica. “Hello po! Welcome po!” ang masiglang pagbati ni Angelica sa mga bisita ko. Napatigil ako sa pagbaba ko sa hagdan. Kanina pa palaisipan sa akin ang mga inaakto ni Angelica. Oo nga at nagpapasalamat ako at hindi ko magiging problema si Angelica ngayon. Pero hindi talaga ako mapakali, at pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya ngayon. “Ah, kapatid ka ba ni Jazz, iha?” tanong ng Mama ni Pablo. “Opo! Pero secret lang po natin ha… mas maganda po ako kaysa kay Jazz,” sagot ni Jazz, at saka tumawa. Tumawa rin ang Mama ni Pablo bilang sagot, pero halatang napilitan lang. Samantalang si Pablo, Roselle, at ang Papa nila ay tahimik lang na nakamasid sa kanila. “Magaganda naman kayong lahat dito sa pamilya n’yo,” dagdag pa ng Mama ni Pablo, sabay tingin rin kay Mama. “Sweetheart! Andiyan ka na pala!” Napabaling ako ng tingin sa nakangiting si Pablo. Nginitian ko rin ito, at ang pamilya niya, at saka ko ipinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. “Jazz… that dress looks good on you!” masayang bati sa akin ng Mama ni Pablo habang papalapit ako sa kanila. “Si Tita talaga… lagi na lang akong binobola…” sagot ko sa kanya, sabay beso sa pisngi niya. “Mom is telling you the truth, Ate Jazz. Bumagay sa iyo ang kulay pink. Parang ang fresh-fresh mong tingnan. Saka parang sixteen years old lang,” agaw naman ni Isabel, na sinuklian ko ng ngiti. “I guess, pareho kami ng taste sa babae ng anak kong si Pablo!” singit naman ng Papa ni Pablo. “Si Tito talaga…” Lumapit ako sa Papa ni Pablo, at saka humalik sa pisngi niya. Nakita ko naman sa sulok ng mga mata ko ang bahagyang pag-ismid ni Angelica sa akin. “Ay, Jazz! Ang dami nilang dalang pagkain, oh! Ang Mabuti pa, dalhin mo na sa kitchen, para mailagay na sa dining table,” sabat ni Angelica sa usapan. Pinigilan kong magtaray kay Angelica. Bakit ako ang uutusan niya? Ako ang may bisita kina Pablo. Hindi ba dapat na ako ang maiwan dito at mag-estima sa kanila? Naikuyom ko ang isang palad para pigilan ang inis ko. Nakakahiya naman sa pamilya ni Pablo kung papatulan ko si Angelica ngayon. “Tinawag ko na si Magda para kunin ang mga iyan. Kasi naman, nag-abala pa kayong magdala,” agaw ni Mama. Sa sobrang natural na ng bangayan namin ni Angelica, alam niyang doon na sana papunta ang ginawang pag-uutos ni Angelica sa akin. Hindi nga nagtagal ay sumulpot si Magda at ang isa pa naming kasambahay na si Celia. Agad nilang kinuha ang mga pagkaing dala nila Pablo, at saka bitbit ang mga ito na dumerecho na sa kusina. “Mabuti pa, kumain na tayo. Jazz, dalhin mo na sila sa dining area. Tatawagin ko lang ang Papa mo,” anunsiyo ni Mama. "Oh, tara na, Pablo!” mabilis na pag-aya ni Angelica kay Pablo, pero ang nakatawag-pansin sa akin ay ang paghawak niya sa braso ng boyfriend ko. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD