Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hindi man kasalanan ni Hei ang kasakiman ng mga Shiann, aminin ko man o hindi ay wala na akong magagawa pa sa mga nangyari. Wala ako sa tabi nila ni Kei nang mangyari ang lahat ng ito at hindi ko sila naipagtanggol pero kahit sisihin ko pa ang sarili ko ay hindi na din magbabago ang nakalipas na panahon. Ang pagbalik ko sa nakaraan ay buhat lamang ng paghahandang ginawa ni Mommy Heya. At iyon ang isang bagay na hindi ko napag-aralan noon kaya wala na akong magagawa para ibalik ang buhay ni Kei. Huminga ako ng malalim upang maikalma ang sarili ko pagkuwa’y ibinalik ang tingin ko kay Hei. “Let’s proceed to the second question I had in my mind.” “W-what is it?” “What happened to you after the surgery that Xan did to you to detach the

