Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “W-walang nangyari sa akin?” nagtataka niyang tanong. “W-walang nangyari sa akin?” Bumuntong hininga ako. “Sinabi ko nang walang mangyayari sa iyo, hindi ba? Wala ka bang tiwala sa akin?” Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa akin pagkuwa’y umiling-iling. “H-hindi naman sa ganoon. P-pero hindi mo naman siguro ako masisisi kung maniguro pa din ako lalo na’t kakaiba din ang babaeng iyon. Wala din akong kasiguraduhan kung makakayanan mo nga bang talunin ang epekto ng kontrata sa pagitan namin dalawa dahil masyadong sagrado ang isang kontrata sa pagitan ng mga bampira.” “Well, I am the half-blood vampire of Ehrenberg so you should know what I am capable of.” “Anyway,” singit ni Xan. “Iyong babaeng sinasabi mo.” Muling nabalot ng kaseryoso

