Nakatanaw lang si Claudia sa malayo habang iniisip kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin. Nasa tatlong buwan na rin ang nakakaraan mula ng ipadala niya kay Rico ang annulment papers na inayos pa niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin siyang balita tungkol doon. Hindi niya alam kung pinirmahan na ba ni Rico iyon o ano. Halos mag-aapat na buwan na rin siyang nagtatago. At hindi niya alam ang gagawin. Walang siyang balita sa kung ano mang nagaganap sa loob ng hacienda. Hindi niya alam kung nagkakamabutihan na ba si Rico at iyong babaeng ina ng anak ng asawa niya. "Asawa ko? Baka ex-asawa," angal pa niya. Kahit sarili lang din naman niya ang kausap niya. "Ayaw kong magpakastress. Pakialam ko ba sa kanila. Bakit ang Agapito na iyon may pakialam ba sa akin? Sa tingin ko ay w-wala," ngitngit

