Isang linggo na ang nakakalipas mula ng matanggap ni Rico ang annulment papers na ipinadala ni Claudia. Mula ng makita niya iyon ay hindi man lang niya muling hinanap kung nasaan. Paggising niya ng araw na iyon at nawala annulment paper sa kwarto niya ay hindi na niya ipinagtanong pa. Maliban na lang sa sulat nakasama ng dokumentong iyon. Kinuha niya ang sulat. Doon lang siya kumakapit na babalik sa kanya si Sisima, dahil mahal siya nito. Napabaling naman sa kanyang likuran si Rico ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Brenda. Hindi naman niya ito palaging nakakausap. Pero minsan ay nagagawa niyang alagaan ang anak nila. Tipid itong ngumiti sa kanya. "May kailangan ka?" tanong ni Rico ng makalapit si Brenda. Kasunod naman ni Brenda si Lira na tulak-tulak ang stroller ni Fred. Ganoon din si

