"Apo kumain ka muna," ani ng don habang nasa hapag sila. Napatingin naman si Rico sa lolo niya. "Paano ako makakakain ng maayos lo. Kung alam ko sa sariling kong wala dito ang asawa ko. Higit sa lahat iniwan na nga po ako, nais pang makipaghiwalay sa akin. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Wala pa rin po bang balita?" "Wala pa rin apo." "Pero ang tagal na noon lo. Lampas isang linggo na rin. Hindi ko alam kung nasa maayos bang kalagayan ang asawa ko." "Kami man ay nag-aalala kay Claudia, Rico. Anak namin iyon at ngayon lang niya ginawa ang pag-alis na ito. Pero naniniwala kaming hindi gagawa ng kung ano mang bagay si Claudia na ikapapahamak niya. Ipanatag mo ang loob mo Rico. Mahahanap din natin si Claudia," ani Sinandro na ikinatango lang ni Rico. Kahit papaano ay nagawang sumubo

