Dahan-dahang iminulat ni Brenda ang kanya mga mata. Pakiramdam niya, sa hinaba-haba ng panahon mula ng malaman niyang nagdadalangtao siya kay Frederick ay ngayon lang siya nakapagpahinga ng maayos. Magaan ang pakiramdam niya. Wala ang bigat at sakit ng ulo na palagi niyang nararamdaman. "Nasaan ako?" naitanong niya sa sarili ng ilibot niya ang paningin sa kwartong kinalalagyan. Ngayon lang ulit siya nakahiga sa malambot na kama. Mula ng magpabalik-balik sa ospital si Frederick ay napilitan silang lumipat sa mas maliit na bahay. Ibeneta din niya ang dating bahay para lang may maipantustos sa pagpapaospital ng anak. Bigla siyang napabaligwas mula sa pagkakahiga ng maalala niya ang anak. Ang nais lang niya ay masabi sa ama nito ajg kalagayan nito. Ngunit wala siyang balak magtagal sa lugar

