Chapter 35

1762 Words

Tahimik lang na nakatingin si Rico kina Brenda at Frederick. Pinapakain ni Brenda ang bata. Nailipat na niya sa pribadong silid ng ospital ang anak. Naalala pa niya ang pag-iyak nito kanina. Hanggang sa bigla na lang itong tumahan sa ginawa ni Brenda. Pagkatapos niyang makakuha ng pribadong silid para sa anak ay muli siyang bumalik sa charity ward kung saan ito naroroon. Kasama niya ang isang nurse na maglilipat kay Fred na nakuha niyang silid. Ngunit pagpasok pa lang niya sa silid nito ay may isang bata na sa tingin niya ay limang taon na ang biglang umiyak. Nagsimula na ring magsunuran ng iyak ang iba pang bata. Hanggang sa mapadako ang tingin niya kay Brenda na nagsisimula ng aluin ang anak. Umiiyak na rin si Fred. Pilit nitong inaalis ang karayom ng dextrose na nakakabit sa kanang ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD