"Papa," bulong ng isang tinig na nagpagising kay Rico. Paulit-ulit pa niyang narinig ang tinig na iyon kaya naman nagmulat siya ng mga mata. Nakahiga siya sa couch na naroroon. Tatlong dipa ang layo sa kama na kinahihigaan ni Fred. "Papa," ulit nito sa maliit na tinig na nagpangiti sa kanya. "How did you know baby boy? Yeah I'm your papa," masiglang sagot pa ni Rico at nilapitan pa ang bata. "Where's your mama?" tanong pa niya ng bumukas ang pintuan ng kwartong iyon at iniluwa si Brenda. "Gising ka na pala. Galing ako sa labas para kumuha ng mainit na tubig para sa kape. Dalawa naman ang tasa ko dito kaya heto ang isa. Magkape ka na." Inabot naman ni Rico ang kape. "Salamat." Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Brenda. Bago tuluyang lumapit sa anak. Si Rico naman ay bumalik sa couch.

