Napatingin si Claudia sa paligid, ng maramdaman niya ang lamig. Madilim pa sa labas at halatang madaling araw pa lamang. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng tumunog iyon. "Nagugutom ako," aniya ng magpakawala siya ng buntonghininga. Bababa na sana siya ng kama ng maramdaman niya ang paghigpit ng braso ni Rico sa baywang niya. "Saan ka pupunta?" tanong nito na mababanaag sa boses nito ang kaantukan. "Sa kusina. Nagugutom ako. Hindi ka ba nagugutom? Gusto kong kumain," napalabi ni Claudia ng tumunog na naman ang tiyan niya. "Ayan at nagrereklamo ng talaga. Hindi mo kasi ako pinakain kagabi." Napabangon namang bigla si Rico. Noon lang din niya naalala na hindi na sila nakapaghapunan ni Sisima. "Bakit ako? Tatawagin na sana kita matapos kong magluto, kaya lang---." "Kaya lang ay ano?

