"Now talk," ani Rico na nagpatuwid ng upo sa babaeng kaharap. "R-Rico," nauutal pa nitong saad na wari mo ay iiyak na naman. "G-galit ka ba?" Napailing naman si Rico. "Hindi. Walang dahilan para magalit ako sa iyo Brenda. Isa pa we're in good terms ng maghiwalay tayo noon. At wala naman tayong naging relasyon. Alam mo kung ano lang ang mayroon sa ating dalawa. Hindi na kailangang idetalye pa. Kaya bakit ako magagalit sa iyo? Nagtataka lang ako kung ano ang dahilan bakit hinahanap mo ako? May problema ba? Hindi ko sinasabing ayaw kitang makita. Kaya lang kung nais mo ngayon na pamagutan kita sa nangyari sa atin after many years. Hindi ko na magagawa. Kasal na ako Brenda at mahal ko ang asawa ko." Napayuko ng ulo si Brenda habang kinukurot-kurot ang mga daliri. Napansin pa ni Rico ang pag

