Chapter 9 - Wrong Move

1285 Words
COLT Sabay na tinaas ng tatlong tao ang kamay nila matapos ko silang tutukan ng baril pero habang nakatutok ako hindi sila gumagalaw at parang relax lang ang sila kahit pa alam nilang may gera sa paligid namin at handa akong barilin sila ano mang oras. “Blue light team, right?” Nilakihan ako ng mata ng lalakeng nasa gitna at tinuro ang nasa braso niya. Tumingin kami at nakita namin na parehas silang tatlo na may blue light sa braso kaya napawala ng kapit si Lynx sa likod ko at tumayo ng mabuti. “Kakampi natin sila,” sabi ni Lynx sa akin habang nakahawak sa nguso ng baril ko at binababa ito habang lumalapit sa tatlong lalake na nasa harapan namin. Agad ko namang hawak sa kamay niya para pigilan siyang lumapit dahil baka nagpapanggap lang sila. “Teka, sigurado ka ba?” tanong ko sa kanya dahil hindi ako sigurado pero nakababa na ang baril ko. Napahinto naman siya at napatingin sa akin matapos ko siyang pigilan pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa tatlo. “Oo, sa bawat color team hanggang lima ang taong pwede mag team up kaya kung hindi ako nagkakamali sila ang tatlong kukumpleto sa ating dalawa.” Bitaw ko sa kanya, kaya lumapit na siya ng tuluyan sa tatlong lalake. Hindi ko pa maaninag ang mga mukha nila dahil ang kalahating mukha nila ay nakatakip, ang mga mata lang nila ang nakalabas pero ang bunganga nila at ilong ay naka-gas mask kaya lumapit na rin ako para tingnan kung totoo talagang kakampe namin sila pero hindi ko inalis ang kamay ko katilyo ng baril ko. “Bakit nung naglaro ako noon mag isa lang ako?” tanong ko kay Lynx habang nasa harapan na siya ng tatlo. “Hindi ko alam na may team up sa larong ‘to.” Hinto ko sa paglapit ng biglang tinignan ako ni Lynx ng masama. “Talaga Colt?” mataray na sabi niya. “Talaga bang nagtataka ka pa kung bakit ka nag iisa non?” Humarap siya ng tuluyan at sa akin naman lumapit. “Bakit hindi ko alam eh.” Layo ko ng kaunti sa mukha ko dahil nilapit ni Lynx ang mukha niya. “Kaya nga nakuha mo ‘yang legendary gun na ‘yan dahil ikaw lang mag isa.” Alis din naman niya kaagad ng mukha niya sa harapan ko at lapit ulit sa tatlong lalake. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya dahil wala talaga akong alam paano ang game na ‘to tumatakbo at tsaka may dapat pa siyang gawin sa akin pero mukhang hindi na matutuloy dahil nga apat na kaming proprotekta sa kanya. Mabuti pa silang tatlo na lang ang tanungin ko kung talagang kakampi namin sila. “Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko ang galing mo,” nakatalikod niyang sabi sa akin dahil nakaharap siya sa tatlong lalake nakikipag usap. Napangiti ako sa sinabi niya pero hindi naman ‘yon ang ibig sabihin ko dahil alam ko na ‘yun sa sarili ko. Lumapit ako ng tuluyan sa kanila at hinawakan ko si Lynx sa trabaho sabay tingin sa tatlo. “Teka lang kausapin ko lang siya,” peke kong ngiti sa tatlo sabay pwinersa kong tumalikod si Lynx para makausap ko ng kami lang dalawa. “Hindi ‘yun ang ibig sabihin ko, ang ibig sabihin ko-” “Colt!” sigaw niya kaya napatigil ako sa sinasabi ko at napaatras na rin ng mukha dahil sa lakad ng boses niya, nagulat nga rin ang tatlong lalake sa likuran namin. “Nung unang nilaro mo ang larong ito pinindot mo ang solo player hindi ang 5 team dahil sa larong ito kung gusto mo ng ka-team mag-stick ka sa 5 o magso-solo ka.” Pukpok niya sa ulo ko habang naiinis ang mukha agad ring tumalikod pero hindi na pumunta sa tatlong lalake. “Hali nga kayong tatlo rito, kayo na ang lumapit nakakapagod.” Senyas niya sa tatlo na lumapit at agad naman din itong lumapit. “Para saan naman yun?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa tatlong lalake na pinapalapit niya at nakahawak sa ulo. “Itong lalakeng to hindi niya alam kung paano niya nakuha ang legendary gun na hawak niya ngayon.” Turo ni Lynx habang nakatingin sa tatlo. Bigla na lang lumapit sa akin ang tatlo kaya agad akong umatras at tinutukan sila ng baril. Natakot ang mga ito at nagtaas ng kamay pero binaba rin ni Lynx. “Bat ba kayo nagtataas ng kamay?” tanong niya sa tatlo habang isa-isa niya itong binaba. “Kakampi natin siya hindi niya tayo mapapatay sa baril niya.” Harap sa akin ni Lynx matapos niyang mababa ang mga kamay ng tatlong lalake. Naisip ko rin na tama siya, ba’t pa ako nag a-abala na barilin sila. Hindi ko naman sila mapapatay dahil kakampe ko sila pero baka ito rin ang chance para tingnan kung hindi sila nagpapanggap. Agad kong tinutok ang baril ko sa lalakeng nasa pinakagilid tsaka ko ito binaril at binaril ito. Bumagsak ang lalake at gumagapang na lang pero agad ring tinulungan ng isa niyang kasamang lalake para iheal habang ang isa naman eh humarang sa akin. Tinutok ko ang baril sa lalakeng nakaharang ang dalawang kamay niya sa harapan. “Sabi ko na hindi kayo kakampe.” Hatak ko kay Lynx habang nakatutok pa rin sa ko sa lalake. Kinabahan at nagulat si Lynx kaya napaatras din pagkahatak ko sa kanya. Mas naging alerto pa ako nang hubarin ng nakaharang na lalake ang kanyang gas mask, kaya tinutok ko ng mabuti ang baril ko sa mukha niya pero agad din itong nagsalita kaya pinakinggang ko muna. “Wait, we are your teammates and your gun is legendary so it’s dangerous to everyone, even your teammates,” kinakabahan nitong sabi habang napapalipat lipat ang tingin niya sa akin pati na sa tatlo niyang kasamahan na nasa likod niya. “Colt ibaba mo na ‘yan.” Utos ni Lynx sa akin habang nakahawak sa baril ko at tila naawa ang mukha niya habang nakatingin sa nakadapang lalakeng binaril ko. Hindi niya maibaba ang baril ko dahil pinipigilan ko rin ibaba niya kahit pa nanginginig na ang kamay niya habang nakahawak sa baril ko, kaya nanginginig din ang baril ko. “Colt!” sigaw niya sa akin. “Ibaba mo ang baril mo!” Nanlaki ang mata ko sa pagsigaw niya at unti-unti ko na rin binaba ang baril na hawak ko hanggang maalis ko na ang kamay ko sa baril dahil sa takot na baka may masaktan pa ako. Agad na lumapit si Lynx sa lalakeng nabaril ko pero pinigilan siya ng isang lalakeng nakaharang. “No, don’t.” Hawak nito sa katawan ni Lynx pero hindi ito tinutulak pinipigilan lang itong makalapit. “It’s alright he can heal him, just a minute.” Tumigil na sa pagpupumilit na makalapit si Lynx sa lalake. “Don’t worry, we're gonna talk about this later.” Pinalapit sa akin ng nakaharang na lalake si Lynx dahil hindi talaga pinapalapit si Lynx sa lalakeng binaril ko. Lumapit sa akin si Lynx. “Sorry, hindi ko alam na ganito pala ang baril na ‘to,” malungkot ko na sabi dahil na guguilty ako sa ginawa ko. “Hindi ko rin alam, nakalimutan ko ang isang sa featured ng baril na iyan at ‘yun ang sinabi niya kanina.” Sumandal kami ng sabay sa malaking bato ni Lynx habang inaantay namin sa kabila na matapos ang tatlo sa ginagawa nila at makipag usap na ng matino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD