COLT “Welcome to the Battle of Player,” sambit na malakas ng isang naka-hoodie habang nakalahad ang kamay niya at lumulutang. Lumabas kami ni Lynx sa war area kung saan natatandaan ko ang larong ito pero sa pagkakaalam ko isang beses ko lang ‘to nalaro kaya tumingin tingin ako sa paligid at bigla na lang may namaril sa amin kaya tumuko kaming sabay ni Lynx. “Ano bang nangyayari?” Hawak ko sa ulo ko dahil hindi ko alam baka daplisan na lang bigla. “Hindi mo pa ba nalalaro ang game na ito?” tanong niya naman sa akin habang nagsimula na siyang gumapang papunta sa malaking bato. “Sumunod ka muna sa akin.” Utos niya, kaya gumapang na rin ako papunta kung saan siya pupunta. Matapos naming makapunta sumandal kami sa bato at huminga ng maluwag habang nagbabarilan na ang mga ibang players. “Na

