Chapter 7 - Lucky Girl

1302 Words
COLT “Paano ko siya natalo?” tanong ko habang nakahawak pa rin sa kamay niya at nakatutok naman ang mukha niya sa akin kahit wala itong mukha, kaya alam kong nakatingin ito sa akin. Hinawi niya ang kamay ko kaya napaatras ako pero hindi siya nagsalita. Pumindot siya sa ere at lumabas ang status naming dalawa ni Anna sa magkabilang bar dahil nga magkalaban kami. Tinignan ko ito ng mabuti at nakita kong naka-max level na ang water skills ko, kaya ang equivalent non sa ay 10,000 level na habang ang ginamit naman ni Anna na lightning skills para matalo ako ay 300 hanggang 500. Tumaas ito dahil sa ginawa niyang pagsabog sa stage kanina nung sumugod ako sa kanya at ‘yun din ang dahilan kung bakit siya nakahilata ngayon sa lapag. Matapos kong makita ang status namin nawala rin ito bigla sa kawalan at bumalik sa pagtutok ng kamay ang lalakeng naka-hoodie kay Anna kaya muli ko itong pinigilan dahil may naalala ako bigla tungkol sa game ng rules. “Teka lang ulit.” Hawak ko ulit sa kamay niya at tinapik ko ang bulsa ko para lumabas ang storage area ko. Pinindot ko ang super rare card na nakuha ko matapos kong matalo si Anna. Lumabas ito sa kamay ko at itinapat ko sa lalakeng naka-hoodie. “Pwede kong ipalit ang isang to para maligtas siya diba?” tanong ko tsaka siya humarap ng tuluyan sa akin at hindi na niya tinapat ang kamay niya kay Anna. Kinuha niya ang super rare card sa kamay ko at hinigop ito ng kamay niya habang nakatapat sa akin. “Your trade has been granted,” ani nito at nawala agad sa kawalan. Agad akong pumunta sa pwesto ni anna kung saan siya nakahilata. Ginulong ko siya pahiga at binitbit ko siya papalabas sa crowd. Nag alisan na rin ang mga ibang players sa gilid ng pinaglabanan namin pero may mga ibang sumunod sa akin habang bitbit ko si Anna. “Sayang naman yung super rare card mong pinalit para lang isagip ang buhay ng babaeng ‘yan,” sabi ng isang lalakeng nasa bandang kanan ng likuran ko. “Sa ‘kin ka na lang sana nagpa-trade, malaking pera ang ipapalit ko.” Pantay niya sa nilalakaran ko kaya dinig na dinig ko. Huminto ako at humarap sa kanila. “Wala akong ipapalit sa inyo dahil hindi ko kailangan ang mga pinagsasabi niyo,” inis na sabi ko at pinadyak ko ang kanang paa ko sa lapag para gumawa ulit ng water wall sa pagitan namin. Hindi na sila nakadaan sa water wall ko dahil ginamitan ko rin ito ng lightning skills dahil pwede mong i-combine ang bawat skills base sa level nito. Kung mag kaparehas ang ibibigay mong power level sa skills mo magco-combine ito ng maayos katulad na lang ngayon gumamit ako ng water wall at may power level ito na 1,000 tsaka ko sinamahan ng lightning skills na nakuha ko rin kanina matapos kong matalo si Anna at may power level rin itong 1,000, kaya nag combine ito ng maayos. Kung nagtataka kayo kung bakit sinabi kong 1,000 power level lang ang nasa water wall ko dahil hanggang don lang din ang kayang ibigay ng lightning skills ko sa ngayon dahil bago ito sa akin. Hindi porke 10,000 na ang level ng water skills ko ganun din ang power level na ibibgay ko sa bawat skills ko. Ang 10,000 level ng water skills ko ay nag sisilbing maximum ng ibibigay kong power level sa bawat water skills ko, mas mataas ang power level na ibibigay mo mas malakas at malaki ang damage nito sa paligid kagaya na lang ng binuga niyang 500 lightning skills sa akin kanina pero hindi niya ako nakuhang patayin dahil ang buong katawan ko ay isang 10,000 power level na water skills at ang makakatalo lang sa ganung power level ay 10,000 power level rin. Dinala ko muna siya sa isang gusali kung saan pwede siya magpahinga at babalikan ko na lang siya sa oras na magising siya. Nag iwan ako ng isang basong tubig sa kanya na nakalagay sa lamesa, katapat ng kama niya. Malaman ko ang ko kung nagising na siya sa oras na mainom niya ang tubig o matabi niya ang baso at matapos ito. Ako na rin ang nag bayad ng kwarto niya para sa ngayong araw, hindi ko alam na marami pala akong pera matapos kong i-restored ang data ko sa account. Sa ngayon naghahanap ako sa labas ng makakapag bigay sa akin ng iba pang impormasyon na dito mo lang malalaman kapag nasa loob ka na ng game dahil ang mga lalake, babae at batang naka-hoodie kanina na nakaharap ko wala ‘yon ng nasa labas ako nag lalaro, kaya hindi ko alam ang tawag sa kanila kung operator ba sa loob ng game o iba ang tawag. Sa paglalakad ko sa lugar na ito naalala ko nga ang bawat lugar nung naglalaro pa ako sa computer. “Talaga bang nasa loob na ako ng game na nilalaro ko,” sabi ko sa isipan ko habang nakatingin sa paligid at patuloy na nag lalakad. Hindi pa rin ako makapaniwala kung nasaan ako ngayon pero bigla ko na lang narinig ang pangalan ko, kaya napatigil ako at napalingon sa likod ko. “Colt!” tawag sa akin ng isang lalakeng kulot at nakasalamin. Lumapit sa akin ang lalakeng ito at tinapik ako sa kanan kong braso tsaka lumabas ang isang mapa. Mapa ng buong lugar kaya bigla akong nagulat sa laki at lawak ng sinakop ng mapa mula sa kinatatayuan ko. Hindi katulad pag nasa harapan ka ng computer kung anong laki ng screen mo ganun kalaki ang mapa mo sa oras na pindutin mo ito. “Sorry mukhang lumabas nagulat ka sa mapa mo,” ani niya at tinapik niya uli ang kanang braso ko kaya nawala rin bigla. “Pwede mong iadjust ‘yan kung nalalakihan ka, tapikin mo lang ang likod ng kamay mo pag wala ka sa laban.” Turo niya sa likod ng kamay niya. Sinunod ko ito at pinundot ko kaya lumabas nga ang settings pero pindot ko rin ulit dahil hindi ko pa naman kailangan ngayon. “Sino ka nga ulit?” tingin ko sa kanya habang minumukhaan siya dahil hindi ko maalala. “Pasensya na mukha hindi mo ko nakilala.” Kamot niya sa ulo niya habang nakangiti ng peke. Naalala ko bigla kung sino sa kakilala ko ang kumikilos ng ganun, kaya bigla na lang akong lumapit sa kanya at pinisil ang mukha niya. “Lynx?” tanong ko at ngumiti siya ng totoo na. “Naalala mo rin.” Hawak niya magkabila kong kamay na nakawak sa magkabila niyang pisnge sabay tapik sa kamay ko. “Masakit ano ba,” inis na sabi niya sa akin. “Sorry hindi ko lang ine-expect na ikaw ‘yan dahil sa payat na character mo.” Baba ko ng kamay ko matapos niyang tapikin. “Alam mo naman na ikaw lang sa ating dalawa ang gumagamit ng totoong character pati ng pangalan sa mga laro, kaya nakilala kita kaagad kita matapos kitang makita habang kumakain ako don.” Turo niya sa likodan niya kung saan ako dumaan. “Saan ka nga pala pupu-” Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil katulad ng nangyari sa akin kanina ganun din ang nagyayari sa kanya ngayon. May lumabas na itim sa kanyang kinatatayuan at unti-unti siyang hinihigop nito pero bigla ring may lumabas na itim sa kinatatayuan ko at hinigot din ako nito. “Mukhang mag sasama tayo sa isang game.” Nakangiti niyang sabi habang lumulubog kami. Tingala namin sa langit ng marinig namin ang malakas na tunog sa bawat paligid. “Battle Of Players,” banggit ko salitang nakalutang sa langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD