COLT Isang malakas na dagundong sa lupa ang naramdaman ko habang nakatingin sa lumilipad na kotse at patataob na ito ngayon sa kabilang side namin dahil sumabog ang granda na pina-gulong ko sa lupa. Hindi sumabog ang granada sa inaasahan naming parte ng sasakyan sasabog dahil imbis na sa gitnang baba ng sasakyan sumabog ang granada ay sa bandang dulo ito sumabog, kaya ngayon pataob ito sa kabilang side namin kung saan nakapwesto ang mga red lights. Tumalon kaagad ang dalawang magkapatid sa ere habang ang mga green lights naman ay hindi na nagawang tumalon kahit pa nasa taas din sila ng sasakyan katulad ng magkakapatid. Nahilo kasi ang mga ito matapos pag sasapakin ng magkapatid. Safe na nakalanding ang magkakapatid sa lupa pero ang saksakyan katulad ng inaasahan tumaob ito sa pwesto ng

