COLT Dahil sa may oras ang color lights ay hindi na ako inantay ni Lynx sa pag combine, pinag-combine niya na ang color lights niya at color lights na nakuha niya. Naging magenta na rin ang kulay niya katulad ng kala First habang ako naman ay nakatingin lang sa pabawas na numiro ng color lights. Bangga ulit sa akin ni lynx ng braso niya, kaya na patingin ako sa gilid ko. “Ano pang hinihintay mo?” laki niya ng mata sa akin. “Sasayangin mo ba talaga ‘yan.” Turo niya ng nguso niya sa hawak ko. Hindi ako nagsalita at tumingin lang ako ulit sa hawak kong color lights. “You know the one who owns those color lights we have is not the innocent one, right?” tanong sa akin ni First. Tumango lang ako habang nakatingin pa rin sa color lights. “Yes but I’m the one who blows the car’s up and then l

