Chapter 22 - Campback

1126 Words
COLT Nakaupo na kami ngayon sa gilid ng rock cave kung habang hawak ang mga baril namin ng mahigpit, lalong lalo na ako. “Are you serious about what you said earlier?” tingin ko sa gilid ko kung saan nakaupo si First. “Shh.” Lagay niya ng daliri niya sa nguso niya habang nakaharap sa akin at tumatango. “Yes and don’t speak to your normal voice, where in a cave.” Turo niya sa taas tsaka siya bumalik sa pag sandal. “I promise you after we secure this cave that no one will come back, we are gonna talk about what I said to you earlier in an abandoned city,” bulong niya habang upo pero hindi maalis ang tingin sa entrance ng cave. Hindi na ako nagsalita dahil sa una pa lang naman ay pinagbawalan na niya kami matapos niyang sabihin na bago pa ang pagkapatay ng apoy noong pumasok kami dito kanina lang. Mainit pa kasi at umuusok pa maaring nag change place ang mga nanatili dito o humanap lang ng ibang color lights na mapapatay dahil ang cave na ito ay magandang pwesto para sa kinabukasang laban, last day na kasi at kung mag umpisa ka sa gitna ng safe zone maari kang ma trap, kaya sa gilid ka muna para mabantayan mo kung sino ang mga pupunta sa gitna. Dahil sa rason na yun maari ring bumalik ang mga nanitili dito kanina pero hindi namin sure, kaya ngayon nag-iintay lang kami hanggang gabi kung sakaling babalik ba ang mga ‘yon o hindi. Makalipas ang ilang oras ng katahimikan sa cave may narinig kaming yapak ng kung ano sa labas. Na pahigpit pa ng lalo ang hawak namin sa baril sabay tutok ng baril sa entrance ng cave habang nakikiramdam kung papalapit na ba talaga, halos ang hinga ng bawat isa sa amin naririnig ko na. Na nginginig pa ang kamay ko pero nakafocus pa rin ako kung sakaling tao talaga ang unang makikita namin. Palapit ng palapit ang yapak ng kung ano sa entrance ng cave hanggang sa makita namin ang isang unggoy na may dalang anak niya. Tinutukan namin ito ng baril pero hindi namin kinalapit ang gatilyo, kaya nakatingin lang kami sa unggoy at nakatingin lang sa amin ito pero umaatras na ito ng paunti unti dahil mukhang natakot sa amin matapos naming lima na tutukan ito ng baril pero bago pa ito makalabas binaril ito ni First pati na ang dalawa niyang kapatid. Niratrat nila ito ng baril nila hanggang sa maubos ang bala nila sa magazine. “What the f*ck?!” sigaw ko sa kanilang tatlo. “It's just a monkey.” Madiin kong sabi habang nakalahad ang kamay sa nakabagsak na na unggoy sa labas ng cave. Tumayo si First at sumunod naman ang dalawa niyang kapatid, kaya napatayo na rin kami ni Lynx at sumunod sa kanila sa labas pero hindi nila binaba ang baril nila nakatutok pa rin ito sa harapan nila. Sabay na lumabas ang magkakapatid at pagkalabas nila tumutok si Second sa kanan namin hanggang taas habang si Third naman ay sa kaliwa. Si First naman ang nag-check ng unggoy at pagkapunit niya ng balat nito tumambad sa amin ang salitang self destruct mode. Hindi ko alam anong gagawin ko pero sunod sunod ang tiktak na tunog nito hanggang sa sumigaw na lang si First sa aming lahat. Hinatak niya muna kaming dalawa sa laylayan ng damit namin ni Lynx papunta sa loob ng cave. “Get back to the cave!” sigaw nito ng malakas sa amin pero nadala lang kami sa paghatak niya ang dalawang kapatid niya lang ang dali-daling bumalik sa loob ng cave kasabay niya. Sumabog ang bomba ng napakalakas, kaya nadala rin kami ng pagsabog na ito papasok sa loob at naapektuhan din ang entrance ng rock cave kasabay ng pagkawala naming lahat ng malay. Nang magising kami nakita na lang namin na wala na kaming lalabasan dahil natakpan na ito ng mga bato. “Urhh,” ani ko habang nakahawak sa ulo at pabangon pa lang sa pagkakawalan ng malay. “Ano ang ibig sabihin nun?” tanong ko sa kanila, ni hindi ko na namalayan na english pala ang kailangan kong sabihin para maintindihan nila. “What time is it?” madaling tanong ni First at siya na rin ang naunang tumayo sa amin at lumapit sa entrance ng cave na ngayon ay wala na. “Pati ba naman dito na trap na rin tayo,” reklamo ni Lynx sa gilid ko at nakahawak din sa ulo niya pero hindi magawang bumangon. “It’s already night,” sagot din kaagad ni Third matapos tumingin sa orasan niya. “We are f**k if we stay this all night.” Tingin niya sa maraming bato na nakaharang sa entrance ng cave at mukhang nag-iisip ng paraan para makalabas. “Why?” Tayo ko na at pantay ko kung saan siya nakatayo. “Isn’t that really our plan?” pagtataka kong tanong dahil ang alam ko kailangan namin ng matutulugan. “No, our plan isn’t that.” Lapit niya pa sa mga batong nakaharang at nag-umpisa ng tangaling ang mga ito isa-isa pero hindi ko muna tinulungan. “Our plan is to stay in this cave until the safe zone is shrinking and now is the time when the safe zone shrinks towards us.” Buhat niya sa batong malaki at pinagulong niya sa gilid. “If we don’t get out of this cave until the sun rises, our life bar will start damaging itself until we die.” Pagulong niya naman ulit ng maliliit na bato sa likod namin. Nang marinig ko ang paliwanag niya hindi na ako nag-salita at tumulong na, ganun din si Lynx at ang dalawang kapatid ni First. Hindi namin magawang matulog at tuloy pa rin kami sa pagtanggal ng mga bato na nakaharang sa entrance ng cave pero parang hindi ito nababawasan kahit pa parang halos lahat ng bato ay nalipat na lahat sa likuran namin. “There is now end to this,” inis kong sabi sabay bato ng huli kong nahawakan na bato sa likuran. Umupo muna ako at nag pahinga hanggang si Lynx ay nakaramdam na rin ng pagod, kaya tumabi kaagad sa akin pero ang magkakapatid tuloy pa rin pero bigla akong may na-isip na paraan kaya napatayo ako at natulog ko si Lynx. Parang nawala ang pagod ko, kaya lumapit kaagad ako kay First at sinabi ang naisip ko. “What if we put a grenade inside that lot of rocks?” tanong ko sa kanya habang nakangiti at nilabas ko na rin ang natitira kong granada sa slot ng baril weapon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD