Chapter 3 - Anna Rashid

1078 Words
COLT Isang misteryosong bata naman ang nakasalamuha ko, ni hindi pa nga ako nakakaalis sa eksena kung saan ginanap ang laban… more like, p*****n sa pagitan nila Eden at Gino. Nakahoodie ito na kulay itim at may letrang X sa gitna, mas maliit siya sa akin kaya alam ko at sigurado akong bata lang ito. Katulad ng isa kanina ay hindi ko rin maaninag ang tunay na mukha o itsura nito. Mas ipinagtaka ko ang kaniyang sinabi. Paano niya ako nakilala at ano ang ibig niyang sabihin na matagal na nila akong hinihintay? Shit. Oras ko na ba? Kung tutuusin nga naman, ang mga panaginip ko nga nitong mga nakaraang araw ay puro patungkol sa p*****n o mga pugot na ulo. Siya na ba si kamatayan? Sinusundo na ba niya ako? Wala pa nga akong nagagawang maganda sa buhay ko, lalo na ang tumulong sa mga nangangailangan, kukuhanin na agad ako ng kamatayan. Hinatak ko siya papalayo gamit ang braso niya para makahinga man lang ang utak ko. My mind can’t process what’s going on right now, ako ata ang malakas ang tama sa ulo kaya ganito ang mga nakikita ko. Tumakbo kami nang tumakbo hanggang sa marating namin kung saan ako unang nanggaling. “Sorry, ano nga uli sabi mo kanina?” Hinihingal na tanong ko sa bata tsaka ko binitawan ang braso niya pero siya naman ang kumapit sa laylayan ng damit ko. “We’ve been waiting for you for too long Colt Trevoir,” pag-uulit niya sa kanyang inulat kanina. Dumami ang tanong sa aking isipan. “Ano ba ang tinutukoy mo? Paano mo ako nakilala?” usisa ko sa kanya, kinakalas ko ang pagkakakapit niya pero hindi ko magawa kaya pinabayaan ko na lang muna siya sa kanyang ginagawa, baka sakaling may mapala ako sa kanya. “May kinalaman ka ba sa palarong iyon? Ikaw ba ang tumawag sa akin dito? Nasa loob lang uli ako ng panaginip ko, ‘di ba?” sunod-sunod na tanong ko, subalit kahit isa ay wala akong natanggap na kasagutan dahil hindi niya ako pinapansin. “You can never leave this place, participating is your only choice if you still want to see the sun shine at you in the morning. You can either kill and win the games to survive or simply die,” kalmadong wika niya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya nang mapansin kong halos mahatak na ang tela ng suot ko. “The final decision is up to you, Colt Trevoir.” Namuo ang inis sa kalooban ko dahil hindi naman niya nasasagot ng diretso ang mga katanungan ko. Naisipan kong gamitin ang mga kamay ko upang patalsikin ang hoodie na nagsisilbing panakip sa kanyang ulo. Naging matagumpay naman ako dahil nasagi ko ito ngunit ikinabahala ko lang ang aksyon kong iyon. Isa na namang tao na walang ulo. Hindi naman ako gaanong nagulantang dahil wala naman na siyang dugo na kumakalat sa buong katawan niya, tsaka wala na rin naman dito ang kanyang ulo na kumalas. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at isa lang ang masasabi ko. Walang laman sa loob ang katawan ng batang ito. Sinilip ko ang butas ng leeg niya at purong itim lang ang naroon. Nang alisin ko naman ang paningin ko roon ay napansin ko ang isang tape recorder na nakasabit sa kanyang leeg. Kaya naman pala hindi niya ako nasasagot dahil nakarecord lang ang sinasabi niya. Kinuha ko iyon mula sa kanya. “Sorry,” nanghingi ako ng paumanhin kahit pa alam kong hindi naman iyon makakarating pa. Nilisan ko na ang lugar na iyon at nag umpisang tumakbo muli nang matulin. Pinasyal-pasyal at nilibot-libot ko ang bawat isang bahay na mapaghihintuan ko, lahat ng iyon ay pinagtanungan ko na rin kung ano ang nangyayari rito at kung nasaan ako pero wala rin sumasagot. Lahat ba ng tauhan dito ay mga nakarecord lang ang sasabihin kaya hindi makapagsalita? O baka naman ay nawalan sila ng kakayahan para gawin iyon at tuluyan nang napipi? Nakailang ikot na ako, pareparehas lamang ang nadadaanan ko. Hindi ako maaaring magkamali dahil bawat ikot ko ay nababalikan ko ang kumausap sa akin kaninang pugot ang ulo at hindi ko naman din alam kung bakit hindi pa siya bumabagsak katulad ni Gino. Marahil ay manika lang siya? Naagaw ang atensyon ko ng isang signboard na nakapaskil sa pintuan ng isa pang bahay sa bandang kanan kung saan ko siya iniwanan. I went in front of the door and grabbed the doorknob to slowly make way which is why a high-pitched sound was heard nung itulak ko ito palayo. Nang makapasok na ako ay lumantad sa akin ang iba’t ibang kagamitan na nakalaan para sa pakikipaglaban, ang mga armas at panangga. “Welcome to Death’s Armory, how can I help you sir Colt?” bati ng matandang lalaki, siya siguro ang nagbabantay rito at nagbebenta. “May makakausap na rin sa wakas…” bulong ko sa sarili, hindi ko na tinanong kung paano niya rin nalaman ang pangalan ko dahil hindi iyon mahalaga sa ngayon, may mas importanteng bagay pa na dapat matutunan. “Paano bumili rito? Wala akong pera eh,” diretsong paliwanag ko. “Hahaha, lahat ng bagay ay may nakatakdang presyo, sir Colt. Makakakuha ka ng pera sa pamamagitan ng pagsali sa mga laro rito sa Death Tournament, pero kailangan manalo ka syempre. Hindi basta sasali lang at magkakaroon ka na ng pera, nakita mo naman siguro ang nangyari kay Gino. Natalo lang ay namatay na…” paliwanag niya. So mukhang totoo nga ang sinabi ng bata kanina, na wala akong choice kundi makilahok. “Pero, paano ba ako makakasali roon? Nasaan ba talaga ako ngayon?” Katulad kanina ay hindi na naman ako nakatanggap ng kasagutan. Nakakapagtaka, sa tuwing itatanong ko kung nasaan ako ay hindi nasasagot. Kasama ba ito sa patakaran ng tinatawag nilang laro? Biglang tumunog ang sirena na kaparehas ng tumunog nung magsisimula na yung laban nila Eden at Gino. Napatingin naman ako sa bintana at naaninag ang isang tournament bracket. Sinubukan kong hanapin ang pangalan ko at naroon nga! Colt Trevoir vs Anna Rashid Anna? Babae ang makakalaban ko? Kakayanin ba ng dignidad ko na makasakit ng babae pagkatapos ng nangyari sa akin sa Muujan… na wala akong nagawa sa minamahal kong babae hanggang sa tuluyan na siyang mamatay. Kung nabubuhay ka pa hanggang sa ngayon, kasama kaya kita rito, Ruby?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD