Chapter 2 - Welcome to Death Tournament

1095 Words
COLT Hinawakan ko ang ulo ko nang maramdaman kong kumikirot ito. Minulat ko na rin ang aking mga mata kahit pa parang ang hirap gawin tsaka ako nagtaka sa aking kapaligiran. “Magsisimula na, tara bilis!” dinig kong sigaw ng mga tao. Unti-unti akong umupo upang makabangon at napagmasdan ko ang mga nagkakagulong tao dahil sabay sabay silang nagtatakbuhan patungo sa iisang direksyon. Sinundan ko ang mga ito sa mabagal na paglalakad, mabuti na lang ay hindi gaano kalayo ang destinasyon nila. Huminto ako sa harapan ng isang malaking water fountain. Nakita ko ang dalawang lalaki, yung nasa kaliwa ay maliit at payat habang ang katabi niya naman ay kabaliktaran dahil malaki ito at puno ng muscle. Sa gitna nila ay biglang sumulpot ang isang nakahoodie na babae, hindi ko masilip nang maigi ang itsura nito kahit pa umaga at mataas ang sikat ng araw. “Pusta ko na lahat ng naipon ko na mananalo si Gino!” “Gago! Doon ako kay Eden, kahit ganyan kaliit ‘yan, sigurado akong may binatbat naman siya kaysa sa higanteng iyon,” ulat ng isa pang nasa audience sa kausap niya. Nasaan ba ako ngayon? Alam kong nasa harapan ako ng malaking fountain at may magaganap na labanan, pero saan? Nananaginip na naman ba ako kaya ganito ang nangyayari? “Welcome, dear players. Today’s game will simply be three rounds of dodgeball. Each one of you will be given a ball per round. Whoever throws a ball at any part of your opponent’s body will be declared as the winner. Enjoy and please wear these to increase your eyesight,” paliwanag ng misteryosong babae. Nag-aalinlangang isinuot ng dalawang manlalaro ang salamin na nakalagay sa isang mesa sa harapan ng babae. “The game will not initiate unless both of the players have wore these,” mariin na aniya kaya’t sinuot na nila ito. Tumunog ang isang sirena at nahulog mula sa taas ang dalawang bolang sinalo nila. Nagsimulang magsigawan ang mga nasa paligid na nagparindi sa aking tenga. Kakaiba man ay nakaramdam din ako ng kaunting excitement sa pinapanood ko. Umatras si Eden, ganoon na rin si Gino at pumunta sa magkabilang panig. Sakto naman at hindi malilito ang mga nakasubaybay sa kanila dahil sa suot nilang damit na magkalaban din ang kulay, ito ay pula at asul. “Ready or not, game…” sumeryoso ang kanilang mga ekspresyon sa mukha. “Start!!!” anunsyo ng babae bago siya naglaho sa kawalan. Siguro nga ay nasa panaginip na naman ako dahil bigla bigla na lang nawawala at sumusulpot ang mga tao rito. Tumawa ako nang mahina at nag focus na sa laban. Itinaas ni Gino ang bolang hawak niya pero hindi nagpatinag si Eden, nanatili lamang siya sa kanyang kinatatayuan. Itinutok niya ito sa kanyang kalaban at nag-amba nang babato, pineke niya lamang ang una pero hindi natakot si Eden kaya namangha ako sa katatagan ng kanyang loob. Ngunit, ang susunod na atake niya ay totohanan na, mabilis na pinaikot ni Gino ang balikat niya. “Urghh!” Ibinalibag na niya ang bola na naglikha ng malakas na pwersa ng hangin na siyang nagpalipad sa ilang butil ng buhok ko. Tinuon ko ang atensyon ko kay Eden na kanina ay walang kilos na isinasagawa pero, nakarating na siya sa kasalungat na direksyon na pinaglandingan ng bola. Nang dahil doon ay iba’t ibang pagc-cheer ang pumalibot sa buong lugar na ito. Nakakakilabot, hinawakan ko ang magkabilang balikat ko hanggang sa magpatuloy tuloy ang laban nila. Narito na ngayon ang third round kung saan huling pagkakataon na para may manalo sa kanila, hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung sakaling wala naman matamaan ng bola. Ano kaya ang pakiramdam nila Eden at Gino? Kinakabahan na rin ba sila? “Final round…” tumahimik ang madla, dahil na rin siguro sa tensyon sa harapan. “Start!!!” Hindi pa man dumadaan ang isang minuto ay agad nang may tumamang bola sa binti ni Gino. Wala pa rin nagsasalita o sumisigaw pati ako, marahil ay dala ng pagkagitla. Dahan dahang umangat ang tingin ni Gino kay Eden. “Congrats tol…” iyon na ang mga huling katagang narinig namin mula sa kanya. Pula, dilaw at kahel. Mga kulay na sumabog sa harapan kaya’t tinakpan ko ang aking mga mata ngunit sa pagdilat ko ay hindi ko inaasam ang natanaw ko. Si Gino ay pinalibutan ng parang kalawang na basa dahil sa dami ng dugo sa katawan nito, ang kanyang ulo ay nahiwalay sa kanyang katawan at ang laman ng utak niya ay kumalat sa lapag na tila ba’y tumitibok-t***k pa. Bumigay na ang binti niya dahil wala naman nang kumokontrol doon kaya bumagsak na ito nang tuluyan. “K.O!!! Eden wins!” iwinagayway ng babae ang braso ni Eden bago itong naglaho muli sa eksena. “You may proceed to the waiting room for your next battle.” Nagsimula na muling maghiyawan ang mga tao, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa labis na tuwa nang ideklara ang pagkapanalo ni Eden laban kay Gino. Bakit ganito ang nangyayari? Palagi na lang ako nagkakaroon ng panaginip tungkol sa pugot na ulo. Paggising ko ba isang araw ay wala na rin akong ulo? Sobrang takot ang namumuo sa aking sistema ngunit hindi ko magawang ikilos ang aking mga paa, paalis sa lintek na lugar na ito. May saltik na yata ang mga naririto, bakas sa kanilang mga mukha na sila nga ay natutuwa sa kinaharap ni Gino. Mama, gisingin niyo na ako, parang awa niyo na gusto ko nang makaalis dito. Mama… pangako hindi na ako maglalaro, pagtutuunan ko na ng pansin ang pag-aaral ko, kakain na ako ng tama sa oras at matutulog na ako ng maaga. Tutulungan ko na kayo ni papa sa paghahanap buhay, gisingin niyo lang ako sa mapait na bangungot kong ito. “Ouch,” bulong ko sa sarili nang kurutin ko ang pisngi ko. Hindi maaari… base sa pagkakaalam ko ay mararamdaman lamang ng tao ang sakit kung gising ito. Ang ibig bang sabihin nito ay nasa loob na talaga ako ng paborito kong larong Death Tournament? Sa anong dahilan? ‘Eto na ba ang kaparusahan ko sa kapabayaan ko sa aking buhay, dahil puro laro lang ang inaasikaso ko? “Excuse me,” may humatak sa braso ko kaya lumingon ako sa likuran at nakita ang isang batang nakahoodie katulad ng babae kanina. “We’ve been waiting for you for too long, Colt Trevoir.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD