Chapter 35 - D.I.D

1164 Words
COLT Sampung minuto ang nakalipas at nagising na rin ang lalaki pero dahil nakadikit siya sa lapag hindi siya nakabangon agad. “Ano ‘to?” tanong niya habang pumipiglas pero wala nangyayari. “Wag mo ng pilitin,” ani ko pagkalingon ko sa kanya. “Anong-” Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin niya dahil tinapakan ni Jaus ng malakas ang katawan nito, kaya imbis na magulat nagulat at napatahimik siya. “Gustong sagutin mo ng totoo ang lahat ng tanong ko,” nangigil na tingin ni Jaus sa lalaki. Hindi naman na nagsalita pa ang lalaki, kaya nag-umpisa na ring mag tanong si Jaus. “Anong alam mo kay Greg X?” tanong ni Jaus habang nakatapak pa rin sa ibabaw ng lalake. “Huh?” pagtataka ng lalaki.” Sino yun?” tangi nito, kaya nainis na naman si Jaus at muling tinapakan ng malakas ang ibaba nito. Kahit pa kasi may haran ito sa katawan ramdam mo pa rin ang impact na nanggagaling sa ibabaw. “Ang sabi ko sagutin mo ng totoo,” inis na sabi ni Jaus. “Sino ba ang letche na ‘yon?!” sigaw nito na medyo nag papanic na. Nag taka ako dahil bat parang nag-iba ang ugali niya ngayon. Kanina na lang patawa tawa at ngiti siya pero ngayon para bang takot na takot siya. “Bakit ba ako nakaganito?” reklamo nito habang tuloy pa rin sa pag pupumiglas. Nang sabihin ng lalaki ang sinabi niyang iyon napaisip na ako at napalapit kay Jaus. Tatapakan niya ulit ang ibabaw nito pero hindi natuloy ni Jaus dahil hinawakan ko siya. “Teka muna,” pigil ko. “Mag-usap muna tayo dito.” Turo ko sa likod sa bandang malayo dahil baka marinig ng lalaki ang pag-uusapan namin. Hinanap si Lynx sa paligid at nasa sulok lang pala siya. “Lynx,” tawag ko. “Pwede ba ikaw na muna mag bantay sa lalaking ‘to?” tanong ko at tumango lang naman ito pero wala pa ring reaksyon. Nag salubong kami ng daan ni Lynx, kaya binaggit ko na rin sa kanya ang kailangan niyang gawin. “Alam mo naman siguro na pwede mo ng i-deactivate ang skills mo na ‘yan diba?” Hawak ko sa braso nito at binitawan din kaagad tsaka nag patuloy sa lakad para lumayo ng kaunti sa lalaki kasama si Jaus. Maya-maya pa ay narinig ko ng nagsalita si Jaus sa likodan namin, kaya alam mukhang na deactivate niya na ang skills niya. “Anong pag-uusapan ang sinasabi mo?” tanong niya matapos naming huminto sa pwesto kung saan sapat naman na para hindi kami marinig ng lalaki pero patingin tingin pa rin kami kay Lynx at sa lalaki kung anong ginagawa nila habang nag-uusap mahirap na at baka may kung anong kapangyarihan pa ang lalaki na hindi namin alam at bigla na lang patayin si Lynx habang nag babantay. “Sa tingin ko may DID siya sa larong ito,” pag-iisip ko habang nakatingin kay Jaus. “DID?” pagtataka naman niya dahil mukhang hindi niya alam ang ibig sabihin nun. “Dissociative Identity Disorder,” sagot ko. “Ano ‘yon?” tingin niya kala Lynx at ibinalik rin ang tingin sa akin matapos makitang wala namang kung anong nangyayari. “Multiple Personality Disorder,” sagot ko ulit at sana naman alam niya na. Hindi siya sumagot at tumingin lang ulit kalay Lynx. “Bakit naman siya magkakaganon sa laro?” mas lalong nagtaka pa siya matapos marinig ang sinabi ko. “Alam ko, kaya nga nagtataka rin ako.” Tingin namin ng sabay sa lalaki mula sa malayo. “Malabo kasing magkasakit siya ng ganun lalo na sa loob ng laro,” pag-iisip ko ulit habang nakapamewang. “Ano sa tingin mo ang naging dahilan bakit nagkaroon siya ng ganung sakit sa loob ng laro?” tanong ni Jaus. Tumingin ako kay Jaus. “Sa totoo lang may tatlong bagay ako na naiisip bakit may ganung sakit dito sa larong ito pero hula lang ‘yon sa ngayon.” Lagay ko ng kamay sa baba ko habang nakatingi na rin sa akin si Jaus dahil inaantay ang sagot ko. “Sabihin mo na kaagad,” pagmamadali nito sa akin. “Una may masamang error din na nangyari sa kanya bago siya pumasok dito sa larong ito,” ani ko at lumingon kala Lynx. “Pangalawa may ganung skills dito na hindi pa natin nalalaman dahil tinatago sa atin ni Greg,” balik ko ng tingin kay Jaus. “At pangatlo meron talaga siyang sakit sa totoong buhay at na-apply ‘yon mismo sa larong ‘to.” Tingin ko ulit kala Lynx. Napatingin din si Jaus at napaisip, kaya hindi nakasagot kaagad. “Hindi ko alam kung ano ang totoo sa mga sinabi mo pero parang lahat ng ‘yon ay nag mamake sense.” Balik niya ng tingin sa akin. “Ano sa palagay mo ang kailangan nating gawin?” tanong ko sa kanya dahil wala akong naiisip na magandang gawin sa lalaki. “Pabayaan na lang ba natin siya dito para makalabas na tayo o ano?” tuloy kong tanong sa kanya. “Sa tingin ko may dapat na malaman tayo sa kanya para makaabante tayo sa plano natin sa Greg X na ‘yon, kaya kailangan natin siyang isama,” sagot namin nito na parang imposibleng mangyari. “Pwede ba ‘yon?” pagtataka ko. “Hunter siya ‘di ba?” Tingin ko sa lalaki pero binalik ko rin kaagad kay Jaus para pakinggan ang sagot niya. “May isang paraan paraan para masama natin siya pero hindi ako sigurado kung magugustuhan mo,” ani Jaus. Medyo nag duda na ako sa sasabihin niya, kaya napakunot ako ng noo habang nakatingin sa kanya. Sinagot naman niya kaagad ng makita niyang nakakunot ang noo ko. “Tutulungan natin siyang makarami ng patay ng Enders hanggang sa magkaroon ng check ang nasa ibabaw ng ulo niya.” Napahigpit niyang hawak sa baril sabay tingin sa lalaki. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil katulad ng sabi niya hindi niya alam kung magugustuhan ko ang paraan na ‘yon at hindi ko nga nagustuhan ‘yon pero mukhang kailangan naming gawin. Nag-isip pa ako ng matagal at wala namang pag pipilian si Jaus kundi mag-intay ng sagot ko, kaya nag-intay pa siya. Nag-isip ako ng mabuti hanggang sa si Jaus na mismo ang nakaisip ng paraan at agad na sinabi sa akin. “May na-isip ako,” ani niya. Agad ko namang tingin sa kanya. “Ano ‘yon?” tanong ko at binaba ko na ang kamay ko para makinig sa sabihin niya. “Halika ikaw naman ang sumunod sa akin may naalala kong pwede nating magawa para makasama siya sa labas ng larong ito kahit pa Hunters siya at Enders tayo.” Lakad niya papalapit kala Lynx, kaya sumunod lang ako sa kanya para alamin ang biglaan niyang naisip na paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD