Chapter 34 - Stranger

1112 Words
COLT Ilang minuto na ang nakalipas sa amin at walang sino man sa kalaban namin ang sumusugod, nagtaka na kami. “Bakit hindi pa sila sumusugod?” bulong ko kay Jaus pero katulad niya at ni Lynx hindi namin maalis ang tingin namin sa mga ito dahil katulad kanina sumugod na lang ng hindi namin inaasahan ang mga kalaban kanina, maaring sila din. “Hindi ko alam,” sagot ni Jaus. “Hindi ko pa sila nakikita dito kahit kailan,” bulong niya rin sa akin. “So sinasabi mo bang baguhan sila dito?” tanong ko habang nanginginig na sa takot si Lynx sa likod ko, kaya patago ko itong kinalabit. “Baka gusto mong gamitin ‘yong binili mong skill kanina,” sabi ko sa kanya at mukhang napaisip din siya. Maya-maya pa ay nawala na ang pagkanginig niya, kaya napalingon ako sa kanya ng mabilisan at nakita kong naging seryoso na naman ang mukha niya. Mukhang na activate niya na ulit, kaya ibinalik ko rin kaagad ang tingin sa mga kalaban na kanina pa nakatayo lang ta hindi sumusugod. Ewan ko kung dapat ba akong matuwa dahil hindi sila sumusugod o mainit dahil gusto ko na umalis sa dead end na ito. Ilang minuto pa ang nakalipas na inip na si Jaus sa paghihintay na sumugod ang mga ito at makaalis na kami. “Hindi niyo pa ba kami papatayin?” tanong niya rito at napatingin naman ako sa kanya dahil baka patayin kami talaga ng mga ito. Matapos marinig ng nasa gitnang lalake na nakamaskara ang sinabi ni Jaus hinubad nito ang maskara niya ng dahan-dahan at humarap sa amin. Tumawa ito ng mahina pero napalitan lang rin kaagad ng ngiti pagkatingin sa amin. “Mukhang sinuswerte ata ako ngayon?” tingin niya sa mga kakampe niya sa gilid at tsaka lumapit sa amin. Ang lalaking ito ang nag dila sa akin, kaya ako naphinta kanina. Ano naman ang ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon? Nagtaka si Jaus at muling nagsalita. “Kanina pa kayo nakatayo diyan, wala ba kayong balak na lumaban?” maangas na sabi ni Jaus habang nakataas noo pa sa lalaki. “Wala kaming balak kalabanin kayo pero wala rin kaming balak na patakasin kayo,” ani nito, mukhang seryoso naman siya sa sinasabi niya kahit pa mukhang hindi kapanipaniwala dahil sa expression ng mukha niya dahil nakangiti lang ito lagi na parang batang nagbibiro lang. Bata pa naman talaga siya pero kakaiba ang ugali niya bilang bata dahil mukhang handa siyang pumatay kahit na sa totoong mundo. Nainis na si Jaus sa tono ng pananalita ng lalaki pati sa expression ng mukha na binibibigay sa amin ng lalaking ‘to. “Alam mong hindi kami papayag sa gusto niyong mangyari, kaya wala kaming choice pati na kayo kundi mag malaba.” Lapit niya ni Jaus ng mukha niya lalaki at nag-iba ang pinta ng mukha nito. “Hindi ba?” tuloy na sabi ni Jaus at hindi niya pa rin inaalis sa tapat ng mukha ng lalaki ang mukha niya. Ilang saglip lang hinawakan sa magkabilang balikat si Jaus at inatras ito pero dahil malaki ang katawan ni Jaus hindi ito basta gumalaw sa pwesto. HIndi naman nakatiis ang lalaki at tinulak ng biglaan si Jaus, kaya napatutok siya ng baril kaagad sa lalaki habang ang mga kasama naman ng lalaki ay tila ba walang pakealam. Hindi tinuloy ni Jaus ang pagkalabit sa katilyo dahil nauna siyang tumingin sa mga kasama nito na akala niya eh tutukan din siya ng baril pero hindi. Nagtaka rin kami kung papaano hindi nangyari ang inaasahan namin sa mga kalaban. “Bakit hindi sila gumagalaw?” tanong ni Jaus habang nakatutok pa rin ng baril sa lalaki at pabalik balik naman ang tingin niya sa mga kasama nito. “Ibig mo bang sabihin ako?” balik ng tanong nito sa amin. Pagtatakang tingin namin sa kanya pati sa mga kasama nito. Tinawanan lang kami nito ng mahina at bigla na lang umilaw ang kamay niya ng saglit kasabay ng pag-ilaw ng mga mata ng mga kasama niya. Tsaka gumalaw ang mga ito at hinubad ang maskara katulad ng ginawa ng lalaki kanina. Nagulat kami sa nakita namin dahil lahat silang pito ay magkakamukha napababa ng baril si Jaus at inunang nilibot ang mga mata sa pitong lalakeng magkakamuha. Maski ako nakatingin lang sa mga ito dahil iniisip kung skills ba ito o weapon kagaya ng robot kanina sa unang nakalaban namin. “Bat parang gulat na gulat kayo?” tanong niya sa amin at doon lang kami na himasmasan ni Jaus dahil si Lynx at wala namang pakiramdam pa ngayon. “Paanong naging-” “Naging kamukha ko sila?” putol niya sa sasabihin ko, kaya napatango na lang ako. “Dahil,” ani niya at tinapat niya sa amin ang palad niya hanggang sa may lumabas na puting bilong sa palad niya at inikot niya pakanan. Bigla na lang naging isa ang lalaki matapos nitong hatakin ng orihinal na katawan niya ang anim na kamukha niya. “Kapatid ko talaga sila pero namatay sila sa isa sa mga laro dito at ang tangi ko na lang magagawa ang i-clone sila sa mukha ko pero iba-iba naman ang ugali nila.” paliwanag nito sa amin. “Pwede ba ‘yon?” tanong ko kay Jaus dahil wala pa akong tiwala sa lalaking kausap namin lalo na pag dating sa kapatid. “Sa pagkakaalam ko isa beses lang pwede mag-clone pero hindi rin ako sure dahil hindi ko pa naman nasusubukan ‘yan.” Lagay ni Jaus ng kamay niya sa baba habang nag-iisip. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Jaus. “Hindi kaya si Greg din ito?” bulong ko kay Jaus at big na lang niya binaril ito ng hindi nagdadalawang isip. “Teka.” Pigil ko pero huli na ang lahat na ngisay na ang lalaki sa lapag, kaya wala kaming choice kundi wag na lang ito pakawalan at tanungin na rin para makasigurado. Binugahan ko ng mabilis matuyong lava ang katawan nito at nawala na ang pangingisay ng katawan niya pero nawalan ito ng malay, kaya inantay pa namin ito bumalik ang malay nito bago kami umalis sa pwesto. Marami pa naman kaming oras at maari rin namin ang lalaking ito pag napatunayan namin may koneksyon siya kay Greg o kagagawan na naman ito ni Greg para mapigilan niya kami sa plinaplano namin. Maari kasing nanonood lang siya sa amin dahil nasa loob kami ng ginawa niyang laro at siya ang may control dito, kaya kailangan naming mag-ingat sa bawat kilos na gagawin namin pati na sa desisyon na pipiliin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD