Chapter 33 - Endead

1577 Words
COLT Iniwanan namin ang tatlo na nakadikit na sa lupa kasama ang robot at hindi na nangingisay dahil sa natuyong lava na nakabalot na sa buong katawan nila. Nag patuloy kami sa pagtakbo sa maze habang nag-uusap. “Wala ba tayong extra skills kagaya nila para maging pantay ang laban?” tanong ko kay Jaus at lumumiko kami ng daan. “At tsaka alam mo ba talaga ang daan para makalabas dito?” pagtataka ko dahil sumusunod lang naman kami sa kanya at hindi namin alam kung mapapagkatiwalaan siya. Tumigil ako ng pagtakbo dahil bigla kong naalala parang wala pa siyang sinasabi sa amin na kung ano na makakapagbigay ng tiwala namin sa kanya. Lumingon silang dalawa sa akin ng tumigil ako sa pagtakbo, kaya tumigil din sila. “Anong problema?” tanong ni Jaus. “Naalala ko lang,” ani ko habang nakatingin sa lupa dahil nag-iisip pero itinaas ko rin ang tingin ko papunta kay Jaus. “Wala ka pang sinasabi sa amin na kung anong nangyari sayo bakit ka naming pwedeng pagkatiwalaan at kung bakit ka rin galit kay Greg X.” Tingin ko ng seryoso sa kanya. Na-realize rin ni Lynx ang bagay na iyon, kaya pumunta siya ng dahan-dahan sa likod ko. Napatingin syempre si Jaus dito pero hindi siya nag sabi ng kung ano. Na payuko lang siya ng ulo habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bewang at sunod-sunod ang paghinga. Tumahimik ang paligid namin at nakayuko pa rin siya habang kami naman ay nakatingin pa rin sa kanya at nakahanda ang mga armas namin pero hindi ko ma-sense sa kanya na atake siya bigla sa amin para bang ayaw niya lang sabihin ang dahilan niya pero maya-maya pa ay napilitan din siya at nagsalita tungkol sa galit niya kay Greg X at sa ginawa nito sa mga players. “Isa lang akong ordinaryong player ng larong ito dati,” sabi niya habang nakayuko ang ulo. “Naglalaro lang ako pag may free time ako pero kahit na ganun pinag-aaralan ko ang lahat ng game bago ko ito laruin pati na kung sino ang gumawa ng mga larong nilalaro ko,” tuloy na paliwanag niya. “Minsan naman kasama ko ang girlfriend ko na maglaro pero hindi siya kagaya ko dahil kahit free time niya sa trabaho nagtatrabaho pa rin siya,” nag-umpisa na siyang maluha habang nakayuko. “Hanggang sa dumating ang oras na lumabas ang liwanag sa monitor ng computer ko at magising na lang ako na nasa loob na ko ng game na nilalaro ko,” at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha niya sa lupa pero hindi siya gumawa ng ingay kahit pa nagiging emosyonal na siya sa amin ni Lynx. “Totoo ba yang sinasabi mo sa amin?” tanong ko para lang makasigurado habang unti-unti na rin akong naawa. Pinunasan niya ang luha niya at inangat ang ulo niya sa amin. “Dahil sa paglalaro ko sa larong ito ng ilang araw na hindi na ako nakakapasok sa trabaho ako at hindi ko na rin nakakasama ang girlfriend ko.” Tapat niya sa amin ng pulso niya at bigla na lang may lumabas dito na hologram picture ng isang babae. Pinagmasdan namin ito ng mabuti pero hindi pa kami naniniwala dahil baka kuha niya lang ito sa iba. Nag-swipe siya pa left at nag-iba ang hologram picture na nasa harapan namin, nakita namin ang mukha niya pati na ng babae na magkayakap habang nakangiti silang parehas. “Siya ba yan?” tanong ko. Tumango siya at tinago niya ang hologram picture na galing sa pulso niya. “Kaya ako naging ganito ang personality ko sa ibang tao dahil halos lahat ng nakilala ko simula umpisa na ma-trap ako dito ay walang balak na bumalik sa totoong mundo.” Ayos niya ng damit sa bandang pulso niya para maitago ang hologram picture. “Samantalang ako gustong gusto ko na bumalik para sa girlfriend ko at araw-araw kong iniisip ‘yon.” Muntik na namang maluha si Jaus dahil yumuko na naman siya pero lumapit na ako para idampi ang kamao ko sa dibdib niya, kaya napaangat na naman siya ng ulo at hindi na tuloy ang pag-iyak. Tinapatan ko siya ng ngiti tsaka ko binaba ang kamay ko bago magsalita. “Magiging okay rin ang lahat.” Nakangiti kong sabi habang si Lynx naman ay pumantay na ulit sa pwesto ko matapos niyang marinig ang sinabi ni Jaus. “Kaya ba ganyan na lang ang kasipagan mo na maging malakas para matalo mo rin si Greg?” tanong ni Lynx. Nagpunas si Jaus ng mukha dahil hindi lang naman luha ang nasa mukha niya pawis din. “Hindi lang si Greg ang gusto kong pabagsakin kundi lahat ng taong naging kasabwat para lang buoin o planuhin ang pag-trap ng tao sa game na ito ng hindi hinihingi ang kanilang opinion,” sagot ni Jaus. “Balak din namin gawin ang bagay na ‘yon pero ng mag tiwala kami sa tatlong akala namin ay tao, tinaydor kami nito.” Tingin ko sa kamao ko na nang gigil pa rin habang inaalala ang nangyari sa B.O.P na muntikan na kaming mamatay. Sa kalagitnaan ng pagtayo namin sa gitna ng daanan narinig na naman namin ang mga hunters sa itaas, kaya bigla kaming napatahimik habang nakatingin sa taas. Hindi naman huminto ang yapak nila katulad kanina sa mga nakalaban namin. Tuloy tuloy lang ito at pawala ng pawala hanggang sa tuluyan na ngang malawa. “Sa ngayon hindi muna tungkol sa atin ang kailangan natin pag-usapan.” Tingin tingin naming tatlo sa paligid dahil kahit na papalayo ang tunog ng mga yapak nila baka may nag-stay at balak na sumulpot mula sa itaas. “Pero ipapangako ko sa inyong dalawa na kung maari kong ikwento ang talambuhay ko para lang pagkatiwalaan niyo ako ay gagawin ko at ganun din dapat kayo sa akin para pagkatiwalaan ko kayo,” tuloy niyang sabi at diniretso ko na ang tingin ko sa kanya habang tumatango. “Sakto,” ani Lynx. Napalingon kaming dalawa ni Jaus kay Lynx. “Bumubuo kami ng grupo para tapusin kung ano man ang nasimulan ni Greg X sa game na ito at humanap na rin ng paraan para makabalik sa totoong mundo.” Nakangiting sabi ni Lynx dahil mukhang nakahanap na kami ng pangatlong myembro ng grupo na bubuoin namin. “Pag-usapan natin ang bagay ‘yan pag nakalabas na talaga tayo sa maze na ito dahil hindi na natin mapapagusapan iyan kung patay na tayo,” seryosong sabi ni Jaus. “Tara na mag umpisa na ulit tayo sa paghahanap ng labasan.” Tumango siya ng isang beses, kaya tumango rin ng kami kami ng isang beses at tsaka siya tumalikod sa amin. Katulad ng umpisa sumunod lang kami sa kanya dahil mukha namang alam niya ang ginagawa niya habang kami naman ang bahala sa paligid kung may mga kalaban man na susulpot lalo na’t alam ko na kaagad kung paano gamitin ang kung ano man ang nasa loob ng katawan ko. Sa punto na ito paliko-liko na kami sa dinadaanan namin ng ilang minuto. Nagpapahinga kami ng saglit at tumatakbo rin kaagad hanggang sa mapunta kami sa dead end na lugar, kaya huminto muna kami saglit dito at nag-isip kung anong susunog naming gagawin. Idinampi ni Jaus ang kamay niya at pinakiramdaman ang pader habang kami naman ni Lynx ay umupo muna at sumandal sa gilid. Matapos niyang pakiramdaman lumapit siya sa harapan namin. “H-hindi na t-tayo nakaabot,” ani niya habang hinihingal. Hindi kami nakapag salita ni Lynx kaagad dahil hinihingal kami ng sobra, kay tumabi muna sa amin si Jaus hanggang sa makapag pahinga na kami ulit. “Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?” tanong ko habang nakayuko. “Isang labasan ‘yan ang ngayon naging dead end na dahil 10 na ang nakalabas sa daanan na ‘yan.” Turo niya sa pader na dead end, napatingin kami pero agad niya ring binaba ang daliri niya matapos naming tumingin. Lumingon ako sa kanya. “Paano mo naman nalaman ‘yon?” tanong ko dahil kami ni Lynx hindi namin nahalata ‘yon. “Mas manipis siya kaysa sa pader na pinagsasandalan natin ngayon.” Katok niya sa pader na nasalikdo namin. Pagkarinig ko ng sinabi ni Jaus agad akong napatayo sa kinauupuan namin. “Hindi ba natin pwedeng sirain na lang ang o gumawa ng butas para makalabas?” natutuwang kong tanong dahil maaring makalabas na kami kung susubukan namin, kaya agad akong humarap sa pader at tinutok ang kanan kong kamay habang nakasuporta naman ang kaliwa ko kung saan dating labasan. “Wag!” Sigaw niya pero habang sinusubukan akong abutin para pigilan pero bigla ring tumahimik dahil tinakpan niya mismo ang sarili niyang bunganga habang nakatingin kaming tatlo sa itaas. Nakikiramdam na baka may hunters na nakarinig ng sigaw niya hanggang sa ilang saglit pa ng katahimikan ay may mabilis na sumulpot sa harapan namin. Pito sila at parang hindi sila nanggaling sa itaas dahil parang bang nag-teleport sila sa harapan namin ng ganun kabilis dahil imahe ng magulong bagay lang ang nakita namin sa harapan namin bago sila sumulpot at ngayon na hindi lang dead end ang dead pati na rin kami. Na-corner kami ng mga ito sa dead end na pinuntahan namin at dahil pito sila halos sakop nila ang daan, kaya namin silang pwedeng daanan lang. Ano ng gagawin namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD