COLT Isang malakas na hampas ang ginawa namin sa legendary gun at isang malakas din na pwersa ang pilit na hinahatak kami papalayo sa legendary gun habang may dumadaloy pa na sunod sunod na kulay asul na usok sa katawan namin hanggang sa mag iba ito ng anyo mula sa nguso pababa sa katawan kung saan kami nakahawak lahat. “Let go except you, Colt.” Utos niya sa tatlo at saktong sakto nito ang pag-ibang anyo ng katawan kung saan nakahawak sila kanina. “Don’t let go, Colt.” Layo nila ng paunti unti kaya medyo natataranta ako pero hindi ko naman maalis ang kamay ko o ang paa ko kung saan ito nakapwesto. “Why?” natataranta kong sabi. “Just let the legendary gun do what it does,” kalmado niya namang alis pero paano ko kakalama kung parang gusto nilang lumayo dahil sasabog ito ano mong oras.

