bc

Evil Within

book_age18+
582
FOLLOW
1.3K
READ
dark
age gap
dare to love and hate
drama
twisted
bxg
mystery
scary
self discover
reckless
like
intro-logo
Blurb

Erzae Villafor can see and hear how evil a person is. She can see those devils behind every person who are trying to tell them to do bad things. She hates it, for her it was a curse made by his own father. While trying to discover the reason why she has this kind of ability, she then meet two guy–Morris Peña, the only person she met who doesn't have any demon behind him and Rayven Guevarra who has the biggest demon she ever met.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1:
Kabanata 1: “WALA KANG KWENTA!” Mula sa siwang ng pinto ng kwarto ko, nakita ko kung paano sinakal ni papa si mama. . . “Tapos pagbabawalan mo akong mambabae? Ni hindi mo nga ako pinagbibigyan!” nagngingitngit sa galit na sigaw ni papa. Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong lumabas mula sa kwarto at tulungan si mama pero alam kong wala akong magagawa. Isa lang akong maliit na bata. Wala akong magagawa. . . “P-parang a-awa mo na. . . N-naririnig t-tayo ni Erzae,” pagmamakaawa ni mama. Napatakip ako sa aking bibig. Unti-unti na akong napapahagulgol. Awang-awa na ako kay mama. Gusto kong pigilan si papa, pero anong magagawa ng maliliit at maiiksi kong braso? Wala. “Tumigil ka! Kasalanan mo 'yan!” Napapikit ako dahil sa lakas ng sampal ni papa kay mama. Sobrang lakas no'n, narinig ko pa ang pagkalabog ng sahig na semento. Pakiramdam ko’y naramdaman ko rin ang sakit. Sa pagkakataong iyon kahit puno ng kaba ang aking dibdib, lakas loob na lumabas ako ng kwarto. “Tama na po papa! Maawa na po kayo kay mama. . .” Basang-basa ang pisngi ko ng luha. Gustong-gusto ko na silang tumigil. Ayoko ng ganito. Hindi naman kami ganito dati. Lumingon sa akin si papa at nagulat ako sa nakita ko. Kahit nag-uumapaw sa luha ang mga mata ko’y nakikita ko ang pangit na itsura ng nasa likod ni papa! Nakahawak ito sa ulo niya at mala-demonyong nakangiti. “Pumasok ka sa loob ng kwarto mo! Huwag kang mangialam!” sigaw ni papa. Napaupo ako sa sahig. Nanginig ako sa takot dahil sa ipinakita ni papa sa akin. Naging kakaiba siya, mas lalong lumala! “E-erzae, a-anak. . .” umiiyak na usal ni mama. Nanginginig na sinubukan kong tumayo. Kailangan kong pigilan iyong nasa likod ni papa! Kahit na nakakatakot siya. Pero hindi ko kaya, sobrang nanghihina na ang mga tuhod ko. “Patayin mo na ang babaeng iyan! Walang kwenta ang asawa mo!” nakangiting bulong ng pangit na halimaw sa likuran ni papa. “Hindi! Papa huwag mong gagawin!” sigaw ko pero parang wala siyang naririnig. Mula sa kulay pula, unti unting naging itim ang halimaw sa likuran ni papa. Mas lalo akong natatakot. Tawa nang tawa ang halimaw na iyon at tila tuwang-tuwa sa ginagawa ni papa. “Parang awa mo na, tigilan mo na ako!” pagmamakaawa ni mama ngunit hindi nakinig si papa. Mula sa kaniyang likuran, inilabas niya ang isang baril. Mas lalong lumakas ang tawa ng halimaw at hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin. Natatakot na ako, nanginginig! Hindi pwede! “Papa! Huwag kang makinig sa kaniya! Papa! Papa!” - Pawis at nanginginig na nagising ako sa isang bangungot. Isang bangungot na naging dahilan ng lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon. Kahit ayoko, pilit pa rin iyong bumabalik sa aking alaala. Nakakapagod, pero hindi ko alam kung paano mapipigilan. Bumangon ako sa kama at saka lumabas ng kwarto para dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng pitsel na may tubig sa loob ng ref at uminom mismo roon. Gusto kong mawala kaagad ang panginginig ko. Gusto kong mahimasmasan at mawala ang mga imaheng buo pa rin sa utak ko. Habang nilalagok ang malamig na tubig mula sa pitsel, hindi ko naiwasang mapaluha. Napaupo ako at nanginginig na nailapag ang pitsel sa sahig. “Sino bang niloloko ko? Hindi mawawala ang lahat ng ito hangga’t nabubuhay pa ako!” Hindi ko na naiwasang mapahagulgol. Wala na talaga yatang pag-asa pa na mawala ang lahat ng iyon sa akin. Hinding-hindi na iyon mangyayari. . . Matapos umiyak, katulad ng madalas na nangyayari sa akin sa tuwing binabangungot ako, bumalik ako sa kwarto at humarap sa malaking salamin. Tinitigan ko na naman ang sarili ko. At ang sarili kong demonyo. . . Kulay berdeng usok. Inggit. Naiinggit ako sa mga normal na tao. Inggit na inggit ako. “Bakit ba kasi nakikita ko pa kayo?! Bakit kailangan ako pa ang makakita sa inyo?!” galit na galit na sigaw ko. Hinawakan ko ang flower vase na nasa ibabaw ng side table at akma sana iyong ihahagis kung hindi lang ako pinigilan ni Ate Sol. Nabitiwan ko iyon dahil sa yakap niya. “Tahan na, Erzae. . . Tahan na.” Sa yakap ni Ate Sol, unti-unti akong napahagulgol. Ang sakit sakit. Kailan ba matatapos ang lahat ng ‘to? Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga. . . Hindi ko namalayang nakatulog ako sa yakap ni Ate Sol, nagising akong umaga na. Sa ibabaw ng kama ko, nakita ko kung paano unti-unting umangat ang sinag ng araw papunta sa aking mga mata. Hindi ko talaga naranasang magising na ang sinag ng araw ay mismong tatapat muna sa mga mata ko. Palagi ko iyong nauunahan. Bumangon ako at inayos ang kama. Dumiretso sa banyo at inayos ang sarili. Kailangan kong agahan sa Bakery, tuturuan ko pa si Morris sa pagbe-bake ng mga tinapay. Kung bakit ba kasi kailangan pang umalis ng dati kong panadero. “Good morning, Ate Sol!” Nakangiting bati ko nang madatnan ko siyang naghahain ng sinangag sa lamesa. “Magandang umaga rin, kain na tayo.” Nakangiting aniya rin at saka nauna ng naupo sa silyang katapat ng sa akin. “Hay, kailan kaya darating ang panahon na asawa’t anak mo naman ang ipagluluto mo sa umaga?” pang-aasar ko sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin. “Kapag nagdalaga ka na! Hanggang ngayon kasi parang bata ka pa rin, e.” “Grabe ka, Ate! Anong hindi pa dalaga e, bente singko na ako. Ikaw nga ‘tong nakalagpas na sa kalendaryo, dalaga pa rin.” Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “Kumain ka na nga!” Tumawa na lang ako at saka tuluyan ng naupo. Ganito ang ginagawa ko sa tuwing nakikita niya akong umiiyak sa gabi. Kinabukasan ay umaakto akong parang walang nangyari. Sa totoo lang, pinipilit ko naman talagang hindi na bangungutin. Dahil gusto ko ng malagay sa tahimik si Ate Sol. Gusto ko na siyang magkaro’n ng sariling pamilya. Pero kahit ano kasing pilit ko, nangyayari pa rin talaga. Sa loob ng isang buwan, hindi pwedeng hindi ko nararanasan. Habang naglalakad papunta sa Bakery. Hindi na naman naiwasan ng mga mata kong makita ang usok ng mga demonyo sa likuran ng bawat taong nakakasalubong ko. Hindi ko nakikita nang husto kapag malayo, nakikita ko lang ng buo kapag nahawakan ko iyong tao. Bihira lang iyong taong walang kasamang demonyo. Iba’t ibang kulay. . . depende sa kung gaano sila kasama. May ibang translucent ang kulay ng demonyong nasa likuran nila. Ibig sabihin, hindi siya kayang kontrolin ng demonyo. Mayroon din namang tao na nakasunod lang sa kanila, hindi makalapit. Iyon sana ang gusto ko para sa akin, pero hindi ko magawa. Hindi ko kasi maiwasang mainggit sa iba. “Magandang umaga, nandito na ako!” Masayang bati ko sa tatlong empleyado ko. Nakaupo silang tatlo sa iisang lamesa at kumakain ng tinapay at nagkakape. “Magandang umaga rin, ma’am!” sabay-sabay nilang bati. “Morris, magkita tayo sa loob. Ituturo ko sa ’yo ang mga recipe ng Bakery ko,” nginitian ko siya. Seryosong tumango lang siya sa akin at saka sumimsim sa mainit na tasa ng kapeng hawak niya. May kakaiba kay Morris. Iyon ang napansin ko sa kaniya. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit tinanggap ko siya kahit na may mas magagaling na baker ang nag-apply kaysa sa kaniya. Gusto kong makahanap ng taong katulad ko. Katulad kong hindi ordinaryo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.3K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.5K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.4K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook