CINDY'S POV "Good morning, Wife," Nagising ako na-mukha ni Dave ang bumungad sa akin. May dala siyang tray na may food doon. Inilapag niya ito sa side table ko at saka siya umupo sa tabi ko. Nakatulog ba ako kakaiyak kagabi? Naalala ko na after niya akong iwan dito last night ay umiyak na lang ako bigla. Ang bigat kasi ng nararamdaman ko no'n na para bang sasabog ang dibdib ko sa sakit nang mga naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit nag-over think ako na baka nga mawala na si Dave sa akin. But I was wrong. Dahil nag-joke lang pala siya no'n na akala ko ay babalikan niya iyong si Dionne, nagtimpla lang pala siya ng gatas para sa akin at saka ako sinamahan dito sa kwarto. Nataranta pa nga siya nang umiyak ako nang umiyak, e. Pero hindi ko na sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. Ayoko nam

