Kabanata 1
Inihinto niya ang sasakyan sa harap ng gate ng condo niya.
Tumingin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. Binalingan niya ako ng tingin saka ngumisi na parang may iniisip siyang masamang gagawin ngayon.
Lumapit ang mukha niya at ramdam ko na ang mga hangin na lumalabas sa kanyang bibig. Ang bango ng hininga niya. Yung perfume niya, ganoon pa rin. Walang nagbago.
Nanlaki ang mga mata ko nang mas lumapit pa siya sa mukha ko, 1 inch nalang siguro mahahalikan na niya ako.
"W-what?" sabi ko sabay lunok. Naninigas na ang mga kalamnan ko sa panahong ito.
Ngumisi siya. "Wala. Na-miss lang kita. At yun..." ngumuso siya na itinuturo ang mga labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko. "Bahala ka diyan." sabay kuha sa bag ko.
Tumawa siya ng malakas. Nangti-trip na naman. Lumabas na ako sa Wrangler niya. Ewan ko ba kung sumunod siya. Tanging ang problema ko ngayon ay kung may laman ba ang ref niya. Noon kasi, tinignan ko ang ref niya. Grabe, kahit isang delata walang laman. Puro drinks and purified waters lang ang nasa loob. Ngayon talaga nage-expect ako na marami ang laman ang refrigerator niya.
"Eileen, hintayin mo ako..." sigaw niya sa labas ng gate.
Ayoko nga. Mamaya pagtawanan mo pa ako. Kaya, dumeretso na ako papasok sa condo, dadaan pa siya sa parking area since dala niya yung wrangler niya. Isa pa, nagugutom na ako ng sobra.
Lumapit ako sa front officer ng condo kung nasaan ako ngayon. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nanliit ang mga mata ko pero hindi iyon nagtagal. Ayokong mapagkamalan niya akong maldita kahit totoo naman.
Pero wait, magpapaliwanag ako. Lumalabas lang naman pagiging maldita ko kapag inis na inis na talaga ako.
"Pwede po bang magtanong?" patanong na sabi ko kanya.
"Sure. What is it?" matigas na english niyang sagot.
Okay, hindi ako malandi. Pero hindi ko pwedeng i-deny na gwapo siya. Medyo mapupula ang mga labi niya. Sa taas at batay sa kilos niya, nasa 20years old na yata siya o mas matanda pa. Makinis ang mukha at may maliit na dimple sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. I blushed. God, ganito ba ako kalandi?
Natulala ako sa paglalarawan sa isang mala-ginoong pigura ng isang ito. Isang ngiti lang, bakit ganoon? Pero napawi ang ngiti ko nang may tanong na sumagi sa isip ko, may girlfriend na ba siya o kaya ay asawa?
"May girlfriend ka na ba?" ngiting sabi ko na hinidi napansin ang sinabi.
"What?" Tumawa siya ng malakas dahilan upang mabuhay ang presensiya ng pag-iisip ko. Nanlaki ang mga mata ko. "You're asking me if I have a girlfriend?" tumawa siya ulit pero this time nakahawak na siya sa tiyan niya.
Tumakbo ako palabas. Nakakahiya! Ano ba kasi ang mga pinagsasabi mo, Eileen? Ayan tuloy.
"Eileen, bat ka bumalik dito sa labas. Pasok na tayo sa loob. Alam kong hindi ka pa nakakain kanina." ngiting sabi niya.
"Huh? Eh, ano... Pwedeng sa labas na lang tayo kumain? Joss please, sa labas na lang. Di ako makahinga dito."
Nagkamot siya ng batok. "Anong sa labas? Sabi mo kanina dito na tayo kumain sa condo ko tapos ngayon sa labas naman. Eileen, bat parang kinakabahan ka?" nanliit ang mga mata niya na parang gusto niyang mabasa ang nasa mata ko. Paano ko ba ipapaliwanag?
Tumingin tingin siya sa loob ng ground floor. "Joss, alis na tayo dito. Di na ako makahinga dito."
"Oh sigi...." Hayss. Thank you, Lord. You are the best superhero all the time. "Pero may kukunin lang ako sa loob ng condo. Mabilis lang ako."
"Okay... Basta wag kang magtatagal dun." ngisi kong sabi sa kanya.
"Oo, hintayin mo lang ako dito. Babalik ako kaagad."
Hinalikan niya ako sa forehead. Umalis na siya at mabilis na nagtungo sa elevator. Umupo muna ako sa isang sofa chair na nasa likod ko. Nakakahiya yung kanina. Mas nakakahiya nang tumawa siya ng pagkalakas lakas habang hinahawakan ang kanyang tiyan.
Paano kung magkita kami nung lalaking yun sa mga susunod pang araw? Hayss, talagang makikita ko ang siya sa susunod dahil una, dito siya nagtatrabaho.
Naglagay muna ako ng kaunting pulbos sa mukha at naglagay na rin ng kaunting make up. Naglip stick na rin pagkatapos. Ba't ang tagal nun?
Tiningnan ko muna ang paligid ng hotel kung saan ako naroon. Maganda siya. Ngumuso ako saka tinignan ang oras sa relo ko. Mahigit kalahating oras na siya nandoon sa condo niya.
Tatayo na sana ako ng may humawak sa baywang ko. It was him. It was Joss. Nararamdaman ko ang hubog ng kanyang katawan. His sparkling sweat transfer to my skin. Kahit pawisan, ang bango niya. Walang pinagbago.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ko sa kanya sa kalmadong boses pero halata na paos pa ako ng sabihin ko iyon.
Naramdaman ko ang hininga na lumabas sa kanyang bibig. I smell his breathing as cool as always. Mas lalong idinikit niya ang kanyang katawan sa akin. Kung kanina ay ramdam ko ang bawat hininga at pawis niya, ngayon mas lalo kong naramdaman ang hubog ng kanyang pangangatawan. At isa lang ang sinisiguro ko, pulang pula na ngayon ang pisngi ko.
"Sorry for making you wait... And making you blush" matigas na English niyang sabi.
Napalunok ako. Habang binibigkas niya ang mga iyon, parang isang salita niya lang, talagang bibigay na ako.
"Ano ba, Joss. Magseryoso ka nga." sabi ko sa kanya pero hanggang ngayon di ko pa nakikita ang ekspresyon niya dahil nakayakap pa rin siya sakin.
"Natagalan ako dahil nakausap ko pa ang receptionist dito. Kilala mo ba siya?"
Nanlaki ang mga mata ko pero salamat nalang at nakayakap siya sakin. Hindi niya makikita ang panlalaki ng mga mata ko. Talagang tumaas ang mga balahibo ko. Yung mga dugo ko sa baba talagang tumaas. Init na lang ng mukha ko ang nararamdaman ko.
"H-Hindi..." sabi ko. Hindi ko naman talaga kilala yun. Ang mukha, oo. Pero ang pangala't apilyido niya ang hindi ko alam. "Baka ako kilala niya, pero ako, hindi ko siya kilala... Maybe he is one of my fans" ngumiti ako.
"Dadaan muna siya sa kamay ko bago ka niya mahawakan, then." sabi niya. Yung boses niya ang nagpapatindig ng mga balahibo ko. Ngayon, mas ramdam ko ang init ng hininga niya.
Napalunok ulit ako. Ano bang pinag-usapan nila? Baka kung ano ano ang sinabi ng ugok na yun kay Joss.
Dahan dahan kong tinanggal ang kanyang mga kamay na kanina pa nakagapang sa baywang ko pero nabigo ako. Mas lalo niya pang idinikit ang katawan niya sakin. At ramdam ko na ang t***k ng puso niya. Mabilis ang t***k nito.
"Nararamdaman mo ba ang t***k ng puso ko?" may halong paos din ang boses niya ngayon at hindi ko na iyon ikinagulat. Galing siya sa concert kagabi.
"O-oo..." putol kong sagot sa kanya.
"My heartbeat is fast like yours, Eileen." sabi niya.
Yung malulusog niyang muskulo ay mas lalong dumikit sa katawan ko at iba na ito ngayon, mas uminit ito kumpara kanina.
Mas lalong nagbibigay ng rason para manatili ako sa tabi niya. Na manatili sa kanya. Hindi ko pa sinasabi sa kanya na sa Arteche Community College ako mag-aaral. Siguro sa susunod na lang.