Chapter 12
“Isa sa mga matandang lugar dito sa Probinsya ng Mirasol ay ang Isla Bato. Malayo man sa Probinsya ng Mirasol etong isla ay isa eto sa mga pinakamahalaga pagdating sa ekonomiya ng probinsya. Maliit man ay nag eexport kami ng isda hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.”
Hindi mapigilang mamangha ni Samantha sa nakikita. Bitbit niya ang disposable na Film Camera ay walang humpay siya sa pagkuha ng litrato dahil hindi mapagkakaila na nakakamangha ang lugar.
“Eto ang San Pablo Church—isa eto sa mga pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Pagkatapos magtungo sa Cebu ni Ferdinan Magellan ay dito niya naman ipinalaganap ang christianismo sa Isla Bato.” Tumigil sila sa isang napakaganda at makikita na matibay na klase ng simbahan.
Matanda mang tignan pero hindi mapagkakaila na pinanatili etong maganda at maayos kaya presentableng tignan. May kung anong pagka banal rin ang aura nito at hindi mapigilan ni Samantha ang mag alay ng isang maikling pagyuko ng ulo para mag bigay ng galang.
Habang patuloy na nagsasalita si Toni ay hindi mapigilang mapatingin sa Samantha rito. Mukhang matalinong klaseng tao eto at kahit simple lang ang pananamit ay may mga hints na edukado eto.
Idagdag mo na rin ang pagtaas baba ng mga kilay neto habangnagsasalita at palihim na sumisilip ang dimples niya.
“You seem so intelligent.” Halos sampalin ni Samantha ang sarili sa biglaan niyang sinabi dahil hindi na niya napigilan ang pagkomento, yung dapat na sa isip niya lang ay hindi niya namamalayan na tuluyan na niya palang nasabi. Sandaling natigilan sa pagsasalita ang lalake at marahang napakamot ng batok.
“Ilang taon ka na ba? Mukhang marami kang alam at mukha ka rin matalino.” Pambawi niya na lang sa kahihiyan na ginawa niya. Pero sa loob ng katawan ni Samantha ay tuluyan na niyang binugbog ang sub conscious dahil parang tanga eto na walang preno.
“27 ho, Ma’am.”
Natitgilan sa paglalakad si Samantha at dahan dahan niyang tinignan eto ng hindi makapaniwala. Sinuyod niya sa isa pang pagkakataon ang mukha at katawan ng lalake para tignan kung tumutugma ang edad niya sa katawan at mukha nito. Hindi. “Eh? Seryoso?”
Alanganing napatawa eto at napakamot ng ulo. “Bakit ho? Mas mukha po ba akong matanda?”
Nanlaki ang mata ni Samantha at agad napailing. “No, no, no! I’m sorry that is not what I mean. Akala ko kasi mas bata ka pa sa akin.”
“Ilang taon na po ba kayo, Ma’am?” curious na tanong ni Toni habang walang humpay na kumakamot eto sa batok niya.
“I’m 25 at saka please remove na rin yung Ma’am, hindi kasi ako sanay na i-ma’am. At saka hindi naman ako teacher na kailangan mong i-ma’am..” She jokingly said at nakita niya na tumawa lang ang lalake at sa isa pang pagkakataon ay similip at lumabas ang dimple nito sa magkabilang pisnge at kinailangan ni Samantha na pigilan ang sarili dahil gusto niyo iyon pisilin.
“I hope you won’t take my questions as a offense. I am just genuinely curious.”
“Wala ho yan, Ma’am. Ano po ba ang gusto niyong itanong?”
“I know you are smart so have you been in to college?”
Hindi na nagulat noong tumango ang lalake at binigyan siya nito ng isang alanganing napangiti. “Opo, Ma—” munitikan na sabihin ni Toni ang salitang Ma’am pero pinanlakihan lang siya ng mata ni Samantha.
“What course have you been to? Of course, no need na sagutin m—”
“Pol-Sci po.” he whispered as if it wasn’t a big deal. “Pero hindi ko na po natapos ang pag-aaral ko noong nagsimula ng magkasakit ang Nanay ko.”
“Ehh??? Pol-Sci?” napatabon ng bibig si Samantha sa gulat sa narinig. “Hindi lang pala matalino eto—sobrang talino pala.” Kaya pala ganoon na lang mag explain ng bagay bagay si Toni.
“Nagkasakit—” Magtatanong sana siya kung ano ang nangyari noong nagsimula na etong maglakad at nagsimula ulit magsalita at ineexplain ang mga bagay bagay dito sa isla ng Bato. Maybe that was just a clear sign of line. She should not cross that line.
After all she is just a visitor of them. And she knows she need to go back soon sa mismong bayan ng Mirasol dahil sa mga pending na gawain niya.
Pero sa ngayon na nasa Isla Bato siya ay kailangan niya munang namnamin ang totoong baksyon at pagliliwaliw. Tuluyan na nga silang nakarating sa gitna ng plaza na sa harap lang ng simbahan at makikita doon na may kung ano anong meryenda ang nalalako doon. Sa unang pagkakataon ngayong araw ay nakaramdam ng pagkalam ng sikmura si Samantha—dahil na rin siguro na hindi pa siya nakakain buong araw kay kahit nagsasalita pa man si Toni ay hinawakan niya eto sa braso at kinaladkad siya neto sa isang stall ng tusok tusok.
Maybe because of his soft feautures? Samantha felt safe on this man. Not that in a bad term but he doesn’t feel any awkwardness. And also it is not romantically feeling—but it is more likely on a tour with the tour guide.
“Oh! Ikaw pala iyan Tonio! Hindi kita nakilala.” Isla Bato people has this cheerful wavy accent that will make you smile if they are starting to talk. Funny because Toni explains everything without accent pero kung sumagot na siya sa mga follow up questions ni Samantha ay doon mo maririnig ang masaya’t wavy accent niya. Maihahambing eto sa Ilonggo pero eto ay mas wavy at parang sumasayaw nasa tono.
“Oh! Aleng Jeniffer! Mabuti naman ho na nakalabas na kayo ng hospital!”
“Kako maraming salamat sa iyo, Toni! Kung di mo ako sinugod papuntang Mirasol ay malamang sa malamang ay namatay na ako!”
She saw how Toni find someone to knock. My anim na beses muna siya kumatok bago tuluyang napaangat ng tingin sa tindera.
Nakita niya lang na tumawa lang si Toni sa sinabi ng Ale. “Ah, siya nga ho pala. Si Ma’am Samantha ho. Siya po yung nagbabakasyon sa mataas na bahay po namin. Baka kako ho bumaba siya mag-isa paki timbrehan na lang po ng mga kasama mo sa palengke na maging mabait sa kanya.”
Alanganing napatawa si Samantha sa Ale na tinignan siya nito taas baba. “Aba! Kalian lang kami naging masungit sa bisita, Tonio? Saka kako kagandang bata. Purya!” hindi mapigilan ni Samantha ang mamula at mapailing sa narinig.
“Naku! Hindi po!” sunod na sunod ang iling niya kasi pati mga tao sa paligid ay nakuha ang atensyon ng tindera at napatingin sa kanya.
“Oh siya, kumain na kayo diyan.” Turo niya sa mga tusok tusok na binibenta. “Sa akin na iyan. Kain lang kayo.” Inabutan sila ng Ale ng baso para makapili sila ng kakainin.
Nang makapili na sila ay ibinalik na ni Samantha ang pang ipit at kasama na doon ang naka sukbit na dalawang daan para pambayad sa kinuha nila.
“Salamat po, Aling Jeniffer.” Pasalamat nilang dalawa at nagtungo na sa pinakamalapit na bench na nasa paligid lang.
Papahapon na rin at may mga batang naglalaro at mga taong nagtutungo sa simbahan. This life is much better than New York. Napaka payak at simple pero makikitang magkakilala ang mga tao at nagkakasundo.
Hindi mapigilan ni Samantha na kunan iyon ng litrato.
“Bakit Bato ang tawag sa Isla Bato, Toni?” she curiously asks.
“Kasi noon ay mayroong isang malaking Bato sa pampang hindi kalayuan sa mataas na bahay na kung saan ka bumibisita ngayon. Sobrang laki at sobrang bigat ng batong iyon at parang naging swerte na rin ng Islang eto ang Bato kaya itinawag doon ang isla sa batong iyon. Pero ang katotohanan ng Bato ay isa iyon sa mga haligi ng isla na nagtatayo sa gitna ng dagat. ”
Pinilit inaalala ni Samantha kung nakita niya iyon malaking bato sa pampang na kung saan siya bumaba.
“Pero noong panahon ng Santiago Lacson bilang gobernadror ay pinatanggal niya iyon.”
Pinatanggal? Ano naman ang magiging silbe nun kung ipapatanggal niya?
“Bakit daw?”
“Hindi namin alam ang totoong dahilan pero usap usapan daw na minina niya ang kayamanan sa ilalim ng Bato. Balita naman noon na may nakatagong treasure katulad ng mga ginto, perlas at iba pa sa ilalim nun at tinago iyon bago pa mag digmaan ng hapon pero ni isa sa mga mamamayan ng Isla Bato ay hindi pinakialaman iyon. Kaya dahil doon sa pagmimina ay nagsimulang lumambot ang lupa ng Isla Bato. May pag aaral na ginawa ang Unibersidad ng Mirasol na sa darating na sampung taon ay mawawala na sa mapa ng Pilipinas ang Isla Bato at tuluyan ng lalambot ang lupa at matatabunan ng tubig.”
Samantha chuckled inside her head. The greedy old bastard. Samantha sighed, ano pa ba ang iniexpect niya? That is Santiago Lacson. The greediest man alive.
“I’m sorry about that.”
Nakita niya na umiling si Toni. “Kaya paunti-unti ay nagsisimula ng lumuwas ng isla ang mga mamamayan dito. At bukod pa roon ay may itinalagang bahay at lupa si Gobernador Jemenia sa amin sa Mirasol mismo kaya parang okay na rin sa amin.”
“Bahay at Lupa?”
Nagpatuloy ng pagkain si Toni at tumango. “Siya mismo yung nag pa suri sa isla at noong malaman niya ay binigyan niya kami ng option. Kung gusto ba naming umalis kaagad or manatili pa ng matagal sa isla.”
Governor Jemenia is really something. He is really good taking care of his constituents and people.
“Ah, siya nga po pala Ma’a—”
“Samantha. I am Samantha.”
Tumango si Toni at tila bang tinake note sa isip niya ang dapat itawag sa bisita. “Kailangan ko na pong umuwi. Pasensya na po at kailangan kong putulin ang pag lilibot libot mo sa bayan.”
Agad naman na umiling si Samantha at napatayo. “No, No! I should be the one to be sorry hehe ako naman talaga yung biglaang nag utos at nagpasama. Thank you.”
Nakita niya na nginitian lang siya Toni. “Walang anuman yun, Ma—S-Samantha.”
“Ihahatid na lang po kita sa mataas na bahay.”
Pag aaya pa ni Toni at napatango na lang si Samantha dahil safe naman ang pagmamaneho ni Toni kanina noong papunta sila sa bayan. Sa tingin nga niya ay biniro lang siya nito.
Nang makabalik na sila sa mataas na bahay ay inabutan niya eto ng pera at napansin niya na nag aalangan eto sa pag kuha. “Kunin mo na yan.”
“Pero Ma—Samantha. Masyado po kasing Malaki—” napatingin siya sa isang libo na inaabot ng babae.
“Kunin mo na at para sa iyo yan. Pasalamat ko na rin nakahit biglaan ay sinama mo ako sa bayan ng hindi nagrereklamo.”
Kahit nahihiya ay nakita niya na tinanggap eto ni Toni at agad na hinawakan ang kamay niya na nagaabot. “Maraming salamat po, Samantha. Malaking tulong po eto sa therapy ng kapatid ko.”
Hindi na nakapagsalita si Samantha ng tuluyan na etong nag bow bago siya tinalikuran at bumalik na sa motor niya at umalis na hanggang sa tuluyang hindi na siya Makita.
Hindi mapigilang mapangiti ni Samantha at binaybay na ang hagdan paakyaat sa mataas na bahay. Sa mismong pagkakataon na iyon ay nakaramdam na siya ng pagod sa katawan dahil sa buong araw na pag gagala sa bayan ng Isla Bato.
Nang sumampa na siya sa kama sa loob ng bahay ay tuluyan na siyang nakatulog. Sa pagtulog niya ay hindi mawala sa labi niya ang isang ngiti dahil sa panaginip niya ay may kalong kalong siyang bata.
This should be my reality bago sinira ni Santiago ang lahat.
----
thank you for reading! i love youuu!!
PS: I might be having hiatus for awhile. :(( things go south ever since 2022. I was really hoping that i'll be more active this year but it wasn't going well for me. I am sorry. I'll be back as soon as possible. I just need to settle down my mental health for a while. I love you still so much and I hope you'll be there when I cam back. Thank you so much! I love you!
--
EDITED: 12/11/2023 10:25AM