“Mommy, ano ang gagawin ko? Hindi ako papayag na mapunta si Bryce sa babaeng ’yon! Hindi ako makapapayag na maging masaya siya!” Paghihimutok ni Alexa sa ina na nakaupo sa kama habang palakad-lakad siya sa loob ng silid ng mga magulang. Maya-maya pa ay lumapit siya sa higaan at dinampot niya ang mga unan na nasa ibabaw ng kama. Pinaghahagis niya ang mga iyon upang doon ibuhos ang galit. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng nakatatanda niyang kapatid, pero nasisiguro niyang ito ang dahilan ng pagbabago ng pakikitungo sa kaniya ni Bryce. “Calm down, Lexa. Ano ba ang nangyari?” malumanay na tanong ni Bernice bago tumayo. Lumapit ito sa kaniya. Hinawakan siya sa balikat, mababanaag sa mga mata nito pag-aalala. “Biglang nanlamig sa ’kin si Bryce, mommy. Nagtataka ako sa mga ikinikilos

