Isang araw ay nalasing si Bryce at halos makalimot ito sa sarili. Pero kinausap niya ito at sinabing hindi pa siya handang ibigay ang gusto nito. Nagsinungaling siya dito na may taong nang abuso sa kaniya noong nasa high school pa lamang siya kaya kunwari ay ayaw niya muna na may mangyari sa kanilang dalawa. Dahil sa labis na pagmamahal sa kaniya ng binata, agad niya itong napaniwala. Inirespeto nito ang kaniyang desisyon kaya nama’y hanggang halik at yakap lang ito sa kaniya. Maging ang hawakan siya sa maseselang bahagi ng katawan ay hindi niya pinahihintulutan. “Tama lang ang ginawa mo, anak. Kapag ikaw ang naging asawa ni Bryce, buhay prinsesa ka sa kaniya. Pero kung ako sa ’yo, hiwalayan mo na ’yang si Oliver dahil isang hamak na empleyado lang naman ng fiance mo ang lalaking ’yon.

